Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Better than last year!~
User Image


April 13 2014

Better than last year!~


OMGee!! Late na ako!! Kasi naman dapat kanina akong tanghali naghugas ng pinggan para ngayong gabi ay hindi ako ang nakatoka para mas maagap sana ako pumunta sa court!! Sana andun pa si GM!! 4laugh

Kahapon nga pala eh sumilip din ako ng kauntian, siguro mga 30 minutes din ako doon at inaantay kong dumating si GM kaso hindi naman sya dumating. Lumipat pa ako sa kabilang side at baka doon sya nakatambay. Maya maya ay nag outside ang bola at ako ang nakasalo! Yayks hahaha! Parang last year lang ah! Nung nasalo ko yung bola tapos binigay ko sa referee at binigay kay GM! weeee memories! hahaha sana meron ding kaganapan na mga ganun ngayon! Biglang my tumawag sa akiN! Si tita Ning! Naku po huli ako hahaha! Maya maya eh tapos na pala yung game at wala ng kasunod na laban kasi nagsisi-alisan na ang mga madlang people. Ayun hindi ko sya nakita kagabi. emotion_zombie

Kaya ngayon sana nandyan syaaaa~ sana sana sana talaga~ at hinanap ko agad sya pagkadating ko. At ang dami pa ding mga nanonood ngayon. At nagppractice din dito sa gilid ang mga nag vvolleyball. Ang dami nila! At halos puro beki! Grabe! Pero hinanap ko na si GM at ayunnnnnnnnnnn!! emotion_kirakira

Nandun sya sa malayo sa my apartment sa dati nyang pwesto at nakaupo. Katabi ang kanyang little bro and cousin. Oha diba pati cousin nya kilala ko na hahaha. Pero hindi masyado me makatingin dahil nahuhuli yata ako ng dalawa nyang katabi!! At baka isipin pa ay sila ang aking sinusulyapan. Basketball ang laro ngayon at parang teen edition pa din yata. Parang walang junor and senor edition?? Noooo paano na si GM!? Dapat maglaro din sila ngayong summer huhuhu~ emotion_eyebrow

Malabo na ba ang mata ko or nakatingin sya ditoooo?? OMgee omgee omgee omgeeeeeeeeee. Ok tapos na. 3 or 4 seconds of kilig hahaha!! Pansin ko lang na parang nabawasan na ang tyan nya or parang lumiit ? Hindi naman malaki yung tyan nya dati pero merong bump. Pero hindi naman halata pero kung 24/7 ang mata mo sa kanya ay makikita mo ito pero sexy pa din! Nakasando pa sya ngayon at konting konting push na lang at flat belly na sya hahaha. emotion_dowant

OMgee ano yung nalaglag?? Parang white na stick ng lolipop? Bakit pinakuha pa nya sa kapatid nya kung stick lang?? Baka yosi?! OMGee nagyoyosi na sya?! Nooooo nakaka turn off pag ganun! Pero hindi naman mataba yung stick. Baka ayaw nya lang magkalat. Waw how bait naman! hahha~ tapos na din ang basketball game kaya volleyball na! At habang pinapalitan ang stage ay samahan nyo kong tumingin at pagsilayin kung gaano ka cute si GM hahaha. emotion_yatta

Ay ang cute! Sinusukat nya yung salamin nung katabi nya! Ahahaha bagay naman! Naku lahat yata eh bagay sa kanya! Kinuha pa nya ang cp nya at parang nag sselfie. At ang cellphone nya parang bago na! Tanda ko pa last year kasi kinukulit sya nung bata na hiramin yung phone nya na color red kasi parang my games yata doon. So ngayon black na ang phone at na shiny shiny ang gilid? Parang iphone! Omgee mayamanin talaga sila! At ako naman ngayon ang pipichugin ang phone dahil nadekwat ang aking phone 2 weeks ago huhu. Ang hirap tuloy mag selfie! emotion_donotwant
Ui si GM kita ko kaya yun! Sumusulyap ka din dito ha! Oo nga mas exciting itong volleyball dahil parang boys vs gays ang labanan dahil sa kabilang team ay halos puro beki at sa kabilang team naman ay all boys! Pero mas exciting talaga yung pagsulyap mo ng pahapyaw sa akin! Ahaha feeler! Pero na count ko yun at mga 6x yata kitang nahuli na tumitingin dito! Binilang talaga hahaha! Maya maya ay dumaan sa harap ko yung pinsan nya! OMGee baka nahuli ako nakatingin kay GM! Eh kasi naman bibili sya eh nasa likod ko lang yung tindahan. emotion_omnomnom

Grabe ha natatalo na ang boys team vs beki team! At super iksi ng short nung isa na parang pokpok shorts na! Hindi ba sya natatakot na baka biglang mag hello ang birdy nya hahaha! Makinis naman ang legs kaya siguro confident naman sya. Aba kasali din ang maliit na beki?? Anung laban nya dito sa mga matatangkad na players? At kinakanchawan sya ng mga tao dahil super girly kumilos! Arghh discrimination much?? Yung mga kiddies lang naman talaga ang mahilig mangutya since they're still insensitive pero sumali na din ang announcer! Well hindi naman lahat sila beki dahil merong 1 member na machong macho tumira at lalake naman kumilos. Napaupo pa nga yung kalaban sa sobrang lakas ng smash nya! This is definitely a better game than last year's girl's volleyball game na nag sscore lang ang bawat team dahil puro outside or net hahaha. emotion_puke

OMGee uuwi na sina GM? Noooo!~ Kumuhit na sya doon sa katabi nya na parang nagsabi na uwi na kami~ ohh so sad naman! That means I have to go home na din since there's no more reason for me to stay because uuwi na si GM hahaha! Sana bukas ay may game ulit para makita ko ulit si GM!~ emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S Kasali yung brother ni Madam na si Chad sa volleyball! Akala ko badminton sya?? Napaka sporty naman nya I'm so inggit! I was rooting for their team kaso parang lalamunin sila ng buhay ng mga beki team haha!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum