Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Christmas Gift~
December 24, 2014


Wow it's been like 5 months na since huli kong nakita ang aking tunay na crush pero it feels like it's been 5 years na! Well kasi naman so layo ko na ehh so ayun hindi ko na talaga sya palagi mahahagilap! Dahil pasko na naman syempre uwi uwi din pag my time! At 24 na kami nakauwi hala pasko na mamaya wooot!

On our way sa bahay namin, dumaan kami sa tapat ng SM at sa hindi inaasahang pangyayari ay my nakasalubong kaming naka motor!! NAka motor!! MOTOR!!! SI GM!! WAAAAAA!~ emotion_smilies/icon_kirakira.gif Napangiti na lang ako kasi hindi ko talaga iineexpect na makita sya hahaha!!

Anyways edi pasko na ngayon! Woot merry Christmas sa ating lahat! At ng gabi na syempre kelangan magsimba para masaya ang pasko at nakagawian na rin ng pamilya namin. Syempre my inaabangan akong makita hahaha! Sinu kaya ito?? Ayun!! Ay parang hindi naman sya kasi parang bumata yung itsura eh nung nakita ko kanina sa daan meron pa syang kaunting balbas tapos ngayon muka ng bata?? Baka naman nag shave na hahaha. Pero hindi talaga ehh meron pa syang kayakap na girl. Lalabas din ang tunay na GM maya maya tiwalaa lang!

At ng medyo kalagitnaan na ng misa ay nakita ko ang Daddy nya! Ay sure na to andito sya. Hmmm asan kaya?? Tingin tingin.. Aha!! Ayun!! ahahaha galing ko talaga maghanap pagdating kay GM!! Kaso natakluban na sya ng madlang people kasi super duper dami ng nagsimba. Nasa likod pa naman kami. At ngayon ko na lang ulit nakita ang mga cousins and friends! Ang hirap kaya ng malayo haysss. Kung wala lang talaga akong pangarap edi sana dito na lang ako forever kaso wala naman mangyayari sa buhay ko! Hindi ko na tuloy palagi ma stalk si GM huhu!

Eto na ang last chance ko makita sya. Kaya sa pag pila sa oscha ehh talaga naman nakasalubong ko ang family nya syempre kunwari hindi ko alam na nandun sya hoho~ tsaka hindi sya nakatingin sakin naka sideview ehh sayang d nya tuloy nakita ang maganda kong outfit!! Pero baka naman na sulyapan nya na pero kunwari hindi nya din alam na nandun ako parehas kami nagpapanggap hoho~ Super duper cutie pa din nya at kinikilig pa din ako haha! Forever ko na talaga tong crush!! emotion_smilies/icon_heart.gif


Super thank u dahil kahit dapat ako ang my bday gift kay Papa God eh sya pa ang nagbigay ng gift sakin! Woow naman so touch ako hoho ! Sana madami pa akong mareceive na gift later! Merry Christmas to all!

emotion_smilies/icon_kirakira.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_kirakira.gif

(P.S kelan ko ulit sya makikita?? Siguro matatagalan na haysss~ stalk stalk na lang ulit sa FB nya hahaha~)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games