Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Extended Birthday!~
User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.

March 30 2014

Extended Birthday~


Kami ay merong outing mga classmates sa isang bagong resort na hindi ko pa alam talaga kung saan kaya magkikita kami ng 8AM pero 9AM na at paalis pa lang ako! Nakasakay na ako ng jeep ng magbabayad na ako sa manong driver at hindi ko makita ang aking kaperahan! Nalimutan ko pala buti na lang at hindi pa ako masyadong malayo nasa my mansion pa lang ako kaya bumaba muna ako at naglakad pabalik. Nang makuha ko na ang aking pera ay dali dali na ulit akong sumakay ng jeep. Bigla namang tumawag si Jeziel at tinatanung kung nasaan na ako. Sabi ko naman ay kakasakay ko lang ng jeep dahil bumalik ako kasi nalimutan ko ang aking pera! Natapos na din ang aming usapan at tumigil na ang jeep sa may mansion habang ako'y nagiisip. pirate

Sabi nga pala ni Jeziel ay meron syang kasama ngayon. Sinu kaya kasama nya?? Hmmm.. ay my motor na dumaan! Kala ko si GM! hindi pala iba kasi yung motor nya eh. Aba parang kilala ko tong nasa likod ng jeep namin ah.. paranag kamuka ni.. GM! OMGee!! SI GM NGA!!! WAAAAAAA!!! Naka hoody sya na black at nakatingin sa akin?! WAAAAAAAAA!! Natulala naman ako ng bongga habang naka nganga pa ang bibig at nag overtake na sya! Naku anu ba yan!! Ang tagal umandar ng jeep ko!! Paki bilisan nga po para maabutan natin si GM! Hayss kainis wala na ang layo nya na! gonk

Akalain mo yun! Nakita ko pa sya! Akala ko talaga hindi ko na sya makikita ngayong araw dahil hindi kami sumimba ng 8 AM! Pero eto nakita ko pa sya! At ang lapit lapit lang dahil sa pinaka dulo ako nakaupo malapit sa my babaan ng mga pasahero at sakto talaga na dumaan sya!! Kung hindi ko siguro nalimutan ang pera ko, malamang hindi ko rin sya makikita! OMGee destiny! Hahahaha!~ emotion_kirakira

At wala ng nakapigil sa aking kasiyahan~ nagswimming kami kasi double celebration sa aming mga classmate dahil dalawa ang nagbirthday ng March. Super pagod na ako dahil sa swimming at ang hapdi ng muka ko! Wala kasi sa amin ang may dala ng sunblock! Pero kelangan ko pa pumunta sa SM para naman sa isa pang celebration ng aking bday with DEKS naman. Super duper napagod ako sa paglalaro namin sa worlds of fun! Ang sakit tuloy ng braso ko hahaha. emotion_c8

Super duper nakakapagod na araw ngayon at lahat na yata ng close friends ko ay nakasama ko today! My college best friends and highschool best friends! Super extended naman nitong birthday ko kahit 2 days na ang nakalipas haha! At nakita ko pa si GM! Weeew~ ako na talaga hahaha! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S. dito kami nag swimming! Super crowded grabe pero maganda yung lugar!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum