User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.


April 11 2014

Summer time again!~


Weee summer na! And it's the season na pinaka aantay ko maliban sa Christmas season!! Dahil madaming outing at swimming at party party ang nagaganap tuwing summer! Pero para sa akin ngayon pa lang ang start ng summer ko at sobrang saya ko dahiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiil... My basketball league na ulit! Yahoo ! hahaha~ Isa lang ibig sabihin makikita ko na ulit si GM! Nung Sunday night yata yung opening nila hindi ako nakapunta dahil gumala kami ng DEKS! Pero ok lang kasi araw araw na ito! emotion_kirakira

At nung monday ay pumunta ako kaso parang walang ilaw sa court? Parang walang laro ah! Naku kala ko ba Sunday yung start bakit walang laban nung Monday?? Baka sa tuesday! At sinilip ko talaga kung meron mga announcement sa court at nakita ko ang nakapaskil doon na kumukuha pa din sila ng mga mag-join sa league na ito! Hindi lang basketball kundi pati na din ang volleyball! At sa Wednesday daw ang start! Kaya naman excited na ako ngayon pumunta dahil Wednesday na at sana andun si GM! emotion_facepalm

Naglalakad na ako, ang daming tao ah, pati na din hayop. Nagkalat ang mga Mga bata, matatanda, at kung ano ano pa! Sobrang bilis ng panahon dahil parang kahapon lang ay ginagawa ko ito araw araw! At ngayon panibagong storya nanaman ang mabubuo sa aking pag nood kay GM! Este ng basketball! At pagdating na pagdating ko ay walang iba na muka ang aking nakita kundi si GM agad!! Kasama ang kanyang kapatid. Swerte ko naman! Dahil sa side na ito ay kitang kita ko si GM hahaha! Hindi na natanggal ang paningin ko sa kanya at hindi na ako nanonood ng basketball! emotion_c8

Ang cute nya pa din!! Parang mas pumayat sya ngayon at nabawasan na ang mga taba! Siguro kakalaro nya ng basketball tuwing hapon dito sa court kaya mas naging fit sya. Mga 30 minutes na yata ako nakatanga kay GM at mag 9 pm na, sobrang dami nanonood ngayon at nahaharangan ang view ko kay GM pero nagagawan ko naman ng paraan hahaha. emotion_dowant

WaaaaA?? Uuwi na agad sya?? Bakit ang bilis naman! Bakit ganun pati sya mag lakad parang my bali yung isa nyang paa? Naku wag naman sana dahil kawawa naman sya. Baka hindi sya makasali kung meron man syang bali?? At ang tanung anung team kaya nya ngayon? Last year ay team UK sila at mga pinsan ang kasama nya. Ngayon kaya?? Sana kasali pa din sya! Para naman manood talaga ako ng basketball at hindi puro si GM ang aking inaatupag haha! Para my i-cheer din ako! Kahit sa isip lang! Kelangan ko makita ang chart ng mga maglalaro. Siguro bukas titingan ko kung meron naka paskil para sa schedule ng bawat team. emotion_awesome

Na-late yata ako ng punta. Kung inagapan ko sana ay mas matagal kong masisilayan ang cute na cute na si GM! Dahil dyan ako'y uuwi na din! Walang ng dahilan pa upang ako'y manatili dahil wala na si GM hahaha!! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S parang teens edition ang naglalaro ng basketball at hindi ko alam kung sino ang mas mataas at sino ang lamang dahil ako'y tuluyan ng umalis!)