Sa Pila
Nang makita kita sa pila Oras ay hindi na pinansin Napakalapit mo pero hindi maabot Ninais na makausap kahit saglit Ngunit ika’y nakatanaw sa malayo.
Natapos ang pila ng di ka nakausap Tinanggap na lamang ang pagkatalo, At batid na ika’y di na makikita pa Pagkakataong aking pinalampas, Pagsisisihan ko habang buhay.
Ang tadhana’y sadyang palabiro Ako’y pinagbigyan na muli kang masulyapan Ikaw ay nakita ng ilang ulit pa May pagkakataon ay muling pinalampas Kahit pangalan mo ay hindi ko malaman.
Alam kong hindi mo ako mapapansin Sa dami ng mga rosas sa iyong paligid Ang tulad kong santan ay walang pagkakataon Kaya mapagmasdan ka lamang tanging hinangad Sa mga pagkakataong iyon ako’y masaya na.
Marahil pinagkait ko sa aking sarili Na ika’y makilala at ako’y makilala mo Ngunit sa mga pagkakataong ika’y pinagmasdan Marami na akong nalaman sayo, maniwala ka Mga bagay na hindi ko malalaman kung ika’y kinausap.
Marahil pa pinagkait ko sa sarili Ang pagkakataong ako’y iyong ibigin Ngunit hindi ko alam kung sa paanong paraan Natatakot akong mawala sa aking sarili Ang ikubli ang totoong ako, ibigin mo lamang.
Ang pagkilala sa iyo’y aking ikamamatay Magpapatunay ito ng aking kabaliwan Alam kong masasaktan lang ako kung iibigin ka At hanggang di pa ako handang masaktan Sa malayo ika’y tatanawin na lamang.
Edit: It's lame. My first entry in Filipino xD actually my 2nd but the first was a questionnaire rolleyes
aitenshi16 · Mon Mar 12, 2007 @ 08:49am · 2 Comments |