Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Happy Birthday and Congratulations Sugar!~
User Image




August 9 2013


OMGee! I can't believe 1 year na ang nakalipas! Tanda ko pa noong August 8 2012 ng gabi, habang ako'y nagcocomputer, biglang dumating si Mommyta at may narinig ako na na-meow! Naexcite ako at nagulat dahil sa tagal ko ng walang pusa at gabi gabi na lang yata ako nanaginip tungkol sa mga pusa ay may biglang kuting na dumating! Ang taray taray pa ni Sugar at ayaw magpahawak! Mga dalawang araw pa siguro bago kami naging friendships. Simula noon ay para akong nagkaroon ng baby at tuwang tuwa naman si ako kahit na ang ugali nya ay kabaliktaran ng kanyang pangalan haha! At ngayon nga August 9 2013, akalain mo na nagkataon pang sa sunod na araw ng kanyang kaarawan ay magkakaroon naman sya ng babies! Not one but three Sugar babies! Pero tatlo nga lang ba o meron pang kasunod?? Kaya naman double celebration ito! Super duper happy happy birthday at congratulations Sugar ko!~


magkasunod na araw ang birthday ni Sugar at ang kanyang mga babies! Nagising ako ng mga 7 AM kasi si Sugar ay na meow at hindi mapakali! At dahil naka 63 days na ay inaabangan ko na nga syang manganak at nagkataon pang birthday din ni Princess haha!! Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya dahil gusto nya dun manganak sa ilalim na madilim kaya kinulong ko sya sa aking kwarto. At mga hapon na nga ay umirit na ng umirit ang Sugar !!

Time na sila ay nilabas:

First baby - 1:45 PM
Second baby - 2:00 PM
Third baby - 2:42 PM

Successful naman lahat ang kanyang panganganak! At akala ko ay 4 or 5 ang kanyang mga babies eh 3 lang pala kasi wala ng lumabas! Ang saya lang panuorin ulit ng pusa na nanganganak kasi elemetary or highschool pa yata ako ng huli akong makanuod ng pusang nanganganak hahaha!
hindi ko na alam kung sinu ang panganay sa kanila kasi magkakamuka sila at buti na lang hindi nagmana doon sa tatay nilang pangit haha! at hindi ko pa alam kung anung gender nila!

emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum