Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Pabili!
User Image




May 21 2013


Pabili!


Halaaaaaaaaaaaa!! Sana nandun ulit si GM sa court ngayong hapon hahahaa!! Makapunta nga !! OMGee my mga naglalaro!! Andyan kaya sya?? Hala ayun !! Nakita ko nanaman yung baller nya hahaha! Naku dali kunwari bibili lang ako sa tindahan!! rofl


"Pabili nga po !" Anu kaya mabili yung matagalan para mag stay ako dito? OMGee! Parang ang sarap nung turon na yun kaso kakaain ko lang ng saging at saka mabilis naman maubos yun! So ayun etong sprite ang napili ko hahaha para dito ko na lang iinumin! Hahaha ayan pede ko na sya matingan dito! Ay bakit kaya hindi sya kasali dun sa mga naglalaro? Ahhhh 10 na pala sila edi pag sumali pa si GM edi 11 na sila eh hindi naman pede yun hahaa! Parang bago yung Cap nya oh kulay Grey! Hayss naka sando ka nanaman GM palagi mo na lang dinidisplay yang makinis mong braso kalerki ka!! Ay anu ba tong mga batang to nakikiinum pa! Uhaw na uhaw na daw sya kalerki! Eto rin siguro yung batang todo kaway kanina nung nakita ako sa kanto grabe ha! Siguro eto din yung batang nagsabi nung dati na gabi na "excuse nga po ate" dito sa tindahan at saka sya din ung nagpalayas sakin sa tricycle!! Nabobosesan ko eto nga siguro yun ! Kahit madilim nun anu ka kilala ko boses mo!! Hindi ko nga pinapansin hahahaa!! emotion_dealwithit


At kay GM lang ako nakatutok hahaha! Ayan pinalayas sila nakikishoot kasi sila habang wala pa yung naglalaro doon sa kabilang ring nagalit tuloy yung isang player hahaha! Ang cute nya sabi nya hala lagot kayo tapos yung my hand gesture pa waaaa so cute nya talaga!! Grabe nakakawalang gana manuod nung naglalaro wala man lang kaeeffort effort at mga naka tsinelas pa hahaha! Yung isa nga yapak na oh kalerki! Sana sila na lang ang tumabi at nakakaistorbo sila dun sa mga bata at kena GM na nag sshoot!!! Waaaaaaaaaaaa !! OMGee akala ko hindi ko na maeexperience ang stare of kiligness all over the world talaga hahaha!! Grabeee kung makatitig si GM dito super tagal ! Lumingon na nga ako sa iba tapos paglingon ko nakatingin pa din!!! Grabe lang ha kitang kita ako dito ako lang magisa tapos hindi pa gabi ngaun at may araw pa!! Anu bang gagawin ko hindi ko kaya talaga pag sobra na sa 3seconds at makipag sulyapan sa kanya kasi nahihiya ako at kinikilig ! Hahahhaa!! emotion_kirakira


Naku ayan nanaman yung mga naglalaro! kainis istorbo!! Naku humarang pa tong mga bata sa view ko hindi ko tuloy makita si GM!! Ay si mag ssiomai! Haha sabi ko kung hindi na sila magtitinda ? Eh mahina daw pag walang event kaya ayun! So cute talaga nung baby grabe napangiti tuloy ako sa kanya at nakatingin sa akin ng bongga! Hays hindi ko na makita si GM! Naku tapos na yata sila maglaro!! Waaaa anu ng gagawin ko dito?! Habang paubos ng paubos na ang sprite ay parang timer lang na pag naubos ay kelangan ko na umuwi at umalis!! Pero ubos na talaga to wala ng laman hindi ko pa lang binabalik ahahaha! Pero tapos na ang game nila naku umupo na sila lahat sa tabi! Nakakahiya naman titigan ko sya dito tapos andun yung mga kasama nya!! Naku makaalis na nga!! emotion_donotwant


Hays sana andun ulit sya bukas? Babalik pa ba ako bukas?? Anu naman kakainin ko sa tindahan para tumagal ako dun?? Mauubos ang ipon ko kakabili ng pagkain dun sa tindahan pag inaraw araw ko to hahahaa! Aba parang familiar ung babaeng naglalakad sa daan! Aba si MADAM!! Hoy MAdam!! Chikahan muna tayo ditey dali!!! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart


(P.S. walang straw dun sa tindahan kaya nilaklak ko ng bongga ang sprite hahaha!! May deposit pa na 3 pesosesoses!!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum