Pamahalaan ng Samahang Makabansa
(Administration of Samahang Makabansa)
Kawanihan ng Mga Tagapamahala
(Bureau of Ministers)
Ayon sa Pangatlong Bahagi ng ating Saligang Batas, maaring magtakda ng iba't ibang tungkulin ang samahan. Para madali matupad ang ating mga gawain, ang mga sugo ay isasaysay dito.
Mga susunod ay lagom ng mga tungkulin at alituntunin para sa mga tagapamahala.
Punong Tagapamahala
(Prime Minister)
---Guild captain
---Mamahala sa lahat ng kawani (tulad ng sugo), sangay, kagawaran, lipon at kung anu-ano pa.
-----[Halimbawa: Kung may isang Crew Member, na nagbura ng isang thread at ang nanulat ng thread ay hindi naniniwala na karapat-dapat burahin ang kanyang thread, maaring magreklamo sa Punong Sugo upang mahatol ang pakakasalungat sa pamamagitan ng kasapi at Crew.]
-----Dapat siguraduhin na ang lahat na kawani o ng kung anu mang itinatag ay sumusunod sa mga tuntunin o Saligang Batas.
Tagapamahala ng Panloob na Kapakanan [PANAK]
(Minister of Internal Affairs)
---Guild clean-up [pero bawal lumabag ng Saligang Batas: Halimbawa, magbura ng thread dahil sinulat ng isang rightist na tao. dapat umaayon sa Saligang Batas: Maaring magbura ng mga "BUMPS" dahil wala silang kwenta at hindi nakakatulong sa ating layunin.]
---kung mayroong kaban-yaman, may pananagutan sa kaban-yaman (treasury)
-----paggawad ng ginto sa anumang kilusan o pagdiriwang na ngangailangan ng ginto [Halimbawa, pwedeng mamigay ng ginto para sa pagbili ng art tungkol sa SM para sa sig ng mga kasapi]
-----magtala ng kita at gastos (tala ng kita at gastos=budget)
---magsimuno o maghanda ng pagdiriwang (celebrations or events)
-----[Halimbawa, pwedeng maghanda para sa "Pagdiriwang ng ika-isang daan at syam na taong pagbaril kay Jose Rizal", "Kataastaasan, Kagalanggalang na Katipunan: Hanggang sa Kinabukasan", "Anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas", "Pagbalik-tanaw sa HUKBALAHAP", "People's Power Revolution Celebration", atbp.
---pagpapatupad ng tuntunin (enforcement of rules)
-----Ayon sa Pangatlong Bahagi ng Saligang Batas, pwedeng gumawa ng grupo ng mga tanod para tumulong sa guild clean-up at pagpapatupad ng tuntunin
Tagapamahala ng Pagpapalaganap at Pagpapatalastas [LATA]
(Minister of Propaganda and Advertising)
---may karapatang magpalaganap tungkol sa...bayani ng Pilipinas, tradisyon, agham at wika, atbp, sa mga Pilipino.
-----[Halimbawa, pwede silang gumawa ng post o ng website na...tungkol sa arnis, diksyonario para sa paglaganap ng agham ng mga Pilipino (dictionaries/ vocabulary lists that are for advanced speakers unlike what TFGG already has, which are for beginners), tungkol sa Rice Terraces, tungkol sa kagandahan ng Pilipinas (best beach resorts, tourists spots, vacation places in Philippines), tungkol sa ginawa ng Katipunan, tungkol sa PKP at iba pang Pilipinong komunista, tungkol sa HUKBALAHAP at ang kanilang stratehya sa pagsakop ng Pilipinas, tungkol kay Marcos, atbp.
---may karaptang magpatalastas tungkol sa SM at sa ating kilusan o pagdiriwang
-----[Halimbawa, kung sinabi ng PANAK na mayroong "Pagdiriwang ng ika-isang daan at syam na taong pagbaril kay Jose Rizal" nagaganapin bukas at nautusan na ipatalastas itong inpormasyon, dapat magpatalastas tungkol sa "Pagdiriwang ng ika-isang daan at syam na taong pagbaril kay Jose Rizal".]
---dapat makinig sa utos at panukala ng ibang kawani
-----[Kung sinabi ng TALI na gumawa ng maka-komunistang patalastas para makakuha ng mga komunistang kaanib o kung sinabi ng TALI na gumawa ng website para lang sa SM, dapat nila sundin ang utos ng TALI. Isa pang halimbawa ay ang nakaraang na halimbawa.]
Tagapamahala ng Pagpapatanggap-anib at Pagpapalista [TALI]
(Minister of Recruitment and Enrollment)
---may tungkulin sa pagtatanggap ng mga bagong kaanib
-----dapat laging tumutingin kung sinong sumasali sa SM (check Request Listing)
---mag-asikaso ng tala ng bawat kasapi (tala ng kasapi=member profiles)
-----ang tala ng kasapi ay tungkol sa...kinaroroonan ng kasapi, kaarawan o edad ng kasapi, hanap-buhay ng kasapi, minimithi ng kasapi, patakarang pampulitko ng kasapi (Leftist or Rightist, Authoritarian or Libertarian, position on Political Compass, etc.), atbp.)
---may pananagutan na mag-anyaya ng mga Pilipino na sapat para maging kasapi (Invite those that fit in SM)
Mga Kinatawan, Sanga at Sugo
(Representatives, Satellites & Ambassadors)
Sugo:
-Gumawa ng sanga
-Mamamahala para sa sanga
-Makipagpakilala sa pamamalakad ng kanyang kinaroroonan
Sanga:
-organisadong pagbabahay ng mga kasapi ng SM.
---pagkakalinga ng mga kasapi ng SM lalo na kung ang kasapi ng SM ay sinasalungat ng pamamalakad sa kinaroroonan. Kung ganoon man ang kaso, magkikipag-ayos ang parehas na pamamalakad ng SM at pamamalakad ng kinaroroonan.
-pagpapalawak ng kilusan ng SM
Kinatawan:
[nakareserba, more to come...just wait]