|
|
XziqueX generated a random number between
1 and 100 ...
80!
|
|
Posted: Mon Sep 21, 2009 7:13 am
Agi VS Zique
A fight between Agi and Zique. The only rule for this fight is that the two RP-ers RP in Tagalog language. Guild rules also apply. All posts after this must be in the said language.
Environment: Rocky; Night time Advantage: Earth/Wind/Darkness Disadvantage: Water/Ice/Light
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Mon Sep 21, 2009 7:28 am
Pumasok si Axle sa labanan, sa paningin pa lamang, wala pa ang kanyang kalaban. "Grabe naman, ang tagal naman ng mokong na iyon. Inaantok-antok pa ata eh... Hay naku..." Umupo siya sa ilalim ng isang puno habang naghihintay. Kinuha niya ang isang kunai niya, at ihinagis hagis habang walang magawa. "Ang taas taas na nga ng pwesto niya, hindi pa ba niya maayos yung oras niya?" Ginamit niya ang kaliwang kamay panghagis ng kunai, at ipinatong niya ang kanyang baba sa kanang kamay na nakatungkod sa tuhod niyang nakapaupo. Humangin ng malakas at siya ay napaisip. 'Se-seryosohin kaya ni Zique itong laban na ito?'
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Mon Sep 21, 2009 7:40 am
Makalipas ang isang oras, si Zique ay nagising na mula sa kanyang pagkatulog. Kakagising pa lamang ni Zique nung siya ay dumating sa lugar na paglalabanan nila ng kanyang kapatid na si Agi. Ang kanyang buhok ay magulo pa at hindi na siya nag-abala pang isuot ang kanyang haori pero dinala pa rin niya ang kanyang spada. "Hoy! Bakit ngayon ka lang dumating?!" Isinigaw niya, kahit na siya ang nahuli sa kanilang laban.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Mon Sep 21, 2009 7:49 am
Tumindi ang galit ni Axle nang marinig niya ang komento ng kanyang kapatid na hindi lamang nahuli, pero nagrereklamo pa. Siya ay tumayo, at sumigaw-sigaw. "Anong HOY!? Ho-hoy-hoyin kiya diyan eh!! Ikaw na nga ung napatagal sating dalawa, ikaw pa yung magrereklamo!? Anong karapatan mo magreklamo sakin!?" Sunod-sunod lang ang pag reklamo, halos wala ng ibig sabihin ang kanyang mga pinagsasabi. "Lalaban pa ba tayo!? Mukang gusto mo lang matulog eh! Angas ka eh!! Para kang nilalang wala nang ibang ginawa kundi mang-asar at manduga ng mga mokong walang ginagawa!" Dire-diretso nalang ang kanyang pagreklamo.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Mon Sep 21, 2009 8:14 am
Lumapit si Zique kay Agi at sinipa ang kanyang mukha, gaya ng dating gawi. "Ang ingay mo! Tumahimik ka nga! Nandito tayo para maglaban at hindi magsigawan!" Binaba ni Zique ang kanyang paa mula sa pagsipa sa mukha ni Agi. Tumalon siya palikod upang lumayo ng kaunti sa kanyang kakalabanin. Pagkatapos ay tumalon siya uli sa isang mataas na bato. "Masyadong madilim dito..." kanyang inisip. Napagdesisyonan niya na hindi muna niya gagamitin ang kanyang spada para sa laban na ito. "Simulan na natin!" Hinintay niya si Agi na unang umatake upang makita siyang mag-"fail".
[Hindi ko alam ang tagalog ng fail. rofl ]
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Mon Sep 21, 2009 8:22 am
[Nandito tayo para maglaban at hindi magsigawan! <--- Magkatunog rofl ]
"Sige ba! Angas ka masyado eh! Lagi mo nalang akong tinatadyakan!!! Akala mo kung sino ka! Bakbakan na nga lang!" Hinawakan ni Axle ang kunai na pababa gamit ng kanyang kaliwang kamay, at inilabas niya ang maiksing espada niya gamit ng kanang kamay at ito'y hinawakan rin niyang pababa. Tumakbo siya patungo kay Zique na palipad na sipa. "MAY PAPASOK!!!"
[ang panget ng tunog! ANG PANGET PANGET NG TUNOG NG SINABI KO! rofl ]
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Tue Sep 22, 2009 9:10 am
"TSONG NAMAN. MAY PAPASOK?! SAN KA KAYA PAPASOK?!?!" Biglang napatawa si Zique at nagmukhang pinaghalong "=))" at ":-&" na emoticon sa YM. Nagsimula siyang gumulong gulong sa ere [tama ba?] at tumama kay Agi na sinubukan pumasok sa kung saan mang pasukan na kanyang nakikita sa pamamagitan ng isang lumilipad na sipa. Tumama silang dalawa sa isa pang malaki at "sparkly" na bato na hindi kalayuan kung saan tumayo si Zique kani-kanina lang. Buti na lang ay nandun ang katawan ni Agi para hindi siya direktang tumama sa malaking bato. Ang batong kanilang nilandingan [parang NILANDIAN rofl rofl ] ay kamukha ni Francisco Balagtas.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Sep 23, 2009 6:19 am
"WAAA!!" Sinigaw ni Axle nang mahulog silang dalawa sa batong mafransisco. "Anong TSONG!? Naging traysikel drayber ka na ba!? Buti na lang hindi mo isinuot ang haori mo! Wala ka rin lang karapatan!!!" Sinagi niya si Zique patabi gamit ng kunai niyang nakatapat sa may tiyan ni Zique. "Laban pa tin ito!!!" Sinabi niyang nakapangiti.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Sep 23, 2009 8:26 am
[Parang lagi kang galit sa mga poste mo. rofl ]
"Hoy pangatlong salumpwet!!" Isinigaw niya nung siya ay napagulong dahil sinagi siya ni Agi. "Ikaw ang walang karapatang sumbatan ang isang awesome na kapitan gaya ko!" Bumwelo si Zique palikod at sinipa ang kamay ni Agi na may hawak na kunai upang ito ay kanyang mabitawan. "Personal Alalay! Kailangan mo ba lagi ang iyong kunai para kalabanin ang iyong kalaban?!" Siya ay muling sumipa, ngayon ang kabilang paa naman ang ginamit niya, na nakatutok sa baba [chin, baka kala mo sa baba] niya na parang isang uppercut.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Fri Sep 25, 2009 4:53 am
[kala mo lang yun! rofl ]
'Lumipad' si Axle papunta sa isang puno, at ito'y tinapatan niya ng paa niya. Pagkatama ng paa niya sa kahoy, sumipa siya papunta kay Zique. Hinanda na niya ang short sword niya. "Sipa ka nanaman ng sipa!!! Hindi na bumabango paa mo!" Sinigaw niyang may ngiti. Pagkalapit niya kay Zique, binalak niyang tamaan si Zique gamit ng short sword. "TAKBO!!!"
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Sat Sep 26, 2009 9:01 am
"Pano babango 'yan e sapatos ko yung tumama sa mukha mo!" Si Zique ay nagduck nung binalak siyang atakihin ni Agi gamit ang kanyang maiksing espada. Gumulong siya paharap at binalak sipain ang tiyan ni Agi habang siya ay nasa gitna ng hangin at pababa.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Sun Sep 27, 2009 7:04 am
Nang yumuko si Zique, naisip na ni Axle na magca-counter-attack siya. Pinasok niya ang maiksing espada niya sa damo sa harapan niya, at inapakan niya ito upang makatalong ng mataas. Habang hindi pa masyadong makakagalaw si Zique, nag tapon na si Axle ng tatlong kunai papunta kay Zique.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Sun Sep 27, 2009 9:10 am
[Pinasok sa damo?! May pasukan ba 'yan?! rofl ]
Ang taging tinamaan ni Zique ay ang hangin. Bago pa tumama ang sipa niya kay Agi, siya'y nakailag na sa kanyang atake. Hindi nakareact si Zique sa kunai na papunta sa kanya at siya ay natamaan. Ngunit nagalusan lamang siya at hindi nagtamo ng malalim na sugat. Ang kanyang damit ay nasugatan at nagkaroon ng butas. "Ang damit ko!!" Nagalit si Zique dahil sa ginawa ni Agi sa kanyang damit at agad siyang sinugod. "Magbabayad ka!" Siya ay nagflash-step sa likod ni Agi at binalak i-pabilog na bahay na sipa ang ulo ni Agi.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Tue Sep 29, 2009 6:48 am
Ang pabilog na bahay na sipa ni Zique ay tumama sa ulo ni Axle. "Bakit ang bilis mo!?!?!" Gumasgas ang muka ni Axle sa damo. "Pweh!!!" Idinura niya ang damo at lupa na pumasok sa bibig niya. "GAGO! Ang sakit nun! Ano ba binabalak mo!?" Kinuha niya ang maiksing espada niya na nasa damuhan. Hinatak niya ito, at tumalon siya papunta kay Zique. "Mawawala na buhok mo!" In-aim niya ang espada sa buhok ni Zique upang mahiwa niya ito.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Tue Sep 29, 2009 10:07 am
[Nakalimutan ko sabihin na nakakabit sa kanya ang gauntlets na binigay ni Dante. Lagi niyang gamit yun pag may kakalabanin. Maliban na lamang dun sa laban natin sa ilog dahil hindi napagdesisyonan niyang huwag gumamit ng kahit anong panangga doon.]
"Kasi ako ay astig!" Ipinagmalaki ni Zique. Dali-daling nakabalik si Agi sa kanyang paa at binalak na naman siyang atakihin. "Tarantado! Hindi mawawala 'tong buhok ko!" Itinaas niya ang kanyang braso na may nakasuot na gauntlets na bigay ni Dante at ginamit niyang panangga para maprotektahan ang kanyang buhok. Nang tumama na maliit na espada ni Agi, tinulak niya ito palayo at saka hinanda ang kabila niyang kamay para siya ay suntukin sa mukha.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
 |
|