|
|
|
|
|
|
Posted: Thu Sep 01, 2005 8:32 am
alvhinne i think there's a possibility about WW3... US is dominant and quiet untouchable right now... but islamic extremism n radicalism is gettin stronger even the fall of its leaders, just can't rid of it as a whole... Iran n NoKor nuclear threat... Israel n Palestine conflict... and also China is buildin up it's military forces that might preparing an invasion for Taiwan, which is a US ally... then Phils. is near Taiwan... konek konek... parang friendster noh... cool then Malaysia, Indonesia, PNG, Australia, New Zealand, Polynesia, Melanesia, and Micronesia, Hawaii, then US, then Canada and Mexico, then Greenland, Scandinavia, UK, Spain, France, the entire Europe, then slowly goes down to Morocco, then Africa while it also spreads to Russia down to Mongolia, China, then to India back to the Middle East while from Mexico goes down to the entire South America. Let's take refuge in Antarctica! Blah...Warster - meet a war today!
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Fri Sep 02, 2005 11:45 pm
anu kasunod... aabot na ang laban sa buwan... o.O... lolz... lol xd
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Talumpati at Sinta Vice Captain
|
Posted: Mon Sep 19, 2005 4:00 pm
A breakthrough in the NK Nuke Crisis...
NK promises to stop its nuclear programs as long as NK get foreign energy support and US keeps its promise of not attacking NK.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Thu Nov 24, 2005 5:32 am
I agree that this great nations sprouted from tragedy. Japan, Korea, Taiwan and even the hegemon of world affairs sprouted from conflit but I do not believe that it is transferabble.
World politics before was not as organized as it is today. U.N mechanisms and international law exists and though they are not strong now but they are slowly developing. International humanitarian law has proven be effective to some extent but due to America's actions with Iraq it has taken a seat back. Anyways the point is that great wars would be harded to create in today's world. The dreams of roosevelt of a peaceful world is coming to fruitition.
The issue of Taiwan is a bit overblown. There was quite a buzz when Taiwan was contemplating on issuing to the world their autonomy from China.
But if that situation does occur I believe we should fear Taiwan more than China. Because they live in such an isolated island and the nearest land mass that they could escape to is our own9We could lease Luzon to them $$$$$$). And let's not forget Japan since it has been rivals with China for so long. But I don't think this will happen even if China is on the rise still America is a force to reckon and China wouldn't compromise its steady growth just for pride.
And I do hope you understand the gravity of a world war.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Thu Dec 01, 2005 1:04 am
Weed Unit Under Blue Sky Sa buong panahon na pinag-iisipan ko ang mga nangyayari sa ating bansa, naintindihan ko na ang totoong suliranin ng ating bansa. Ang suliranin ng ating bansa ay mas malala pa tungkol sa mga kurakot na pulitiko o sa mga nandaraya o mga sinungaling sa gobyerno, o mas malala pa sa bulok na sistema ng pulitika o ng ating panis na mga partido, mas lalong malala pa sa mga ugali ng mga taongbayan na laging nagrereklamo o nagrarally at wala rin naman nagagawa sa ating lipunan. Ang totoong suliranin ng ating bansa ay ang pagkukulang ng tiwala ng mga mamamayan sa ating gobyerno. Wala tayong tiwala sa gobyerno kahit na kung ang gobyerno natin sinusubukan nila sa puos nilang kakayahan na mapaayos nila ang bansa. Napansin ko itong mga pangyayari ay nagsimula noong panahon sa rehimen ni Marcos. Simula noon, halos wala nang tiwala ang mga Pilipino sa ating gobyerno. Mas lumala pa itong suliranin noong panahon ng pamahalaan ni Aquino dahil sa mga hindi kanais-nais na mga paraan ang isinasagawa ng pamahalaan ni Aquino. Tumigil ng kaunti noong panahon ni Ramos...pero sa pagdating ni Erap, bumalik ang lumalalang suliranin. At ngayon, itong suliranin ay lumalala pa rin! Ngayon na linalathala ni GMA ang kanyang SONA...halos wala gaanong Pilipino ang maniniwala o may pakialam sa sasabihin niya. Bakit kamo? Wala na ngang tiwala ang mga Pilipino sa ating gobyerno. Iyan ang suliranin ang umuugat sa lahat ng problema ng bansa. Walang magagawang matuwid ang ating gobyerno dahil hindi naman tutulungan ng mga mamamayan dahil wala na ngang tiwala. Meron akong nabasang thread na nagsasabi sa mga masasaming bahagi ng ating lipunan at nabasa ko rin na dahil doon hindi na siya bumabayad ng buwis dahil wala na nga siyang tiwala. Bakit pa nga tayong nagpapaampon sa ibang bansa o gustong maging OFW o lumilipat sa ibang bansa? Dahil wala na tayong tiwala sa ating gobyerno. Itong suliranin ay dapat sugpuin bago lumabasa ang mas delikadong sintomas. Ano kamo ang paraan? Ang paraan na natitira para sa ating desperadong bansa ay DIGMAAN. Noong panahon ng WW2, tayong mga Pilipino ay nagsama-sama maski komunista man o Muslim ang ating mga kakampi. Pinagkatiwalaan pa natin ang gobyerno ng mga Amerikano na magtatanggol sa atin. Para bang nagiging eustress or "good stress" ang digmaan. Napipilitan tayong gumawa ng maayos para sa ating lipunan...para bang mga "procrastinators" ay napipilitang umisip ng matino dahil nawawalan na sila ng oras. Sa oras na dumating ang mga mamamatay na dayuhan, sino pa bang pwede mapagkatiwalaan kung 'di ang ating gobyerno. 'Di ba? Sa panahon ng digmaan, sigurado na hindi na mangungurakot ang mga elitista at mga pulitiko kung matino silang mag-isip na sasalakayin sila ng mga imperyalista o ng mga mananakop. At ang pinaka-magandang bunga ng digmaan ay nga kanilang tinatawag na "power vacuum". Sa mga walang alam tungkol sa "power vacuum", ikukwento ko ang nangyari sa isang idol at inspirasyon ko, si Napoleon Bonaparte. Noon sa panahon ng mga kinalulumaan, mayroong himagsikan sa bansa ng France. Ang mga hampaslupa ay lumalaban sa mga pamahalaan ng mga burgis. Nang humihina ang gobyerno ng mga may-kaya, nagkaroon na ng "power vacuum"...ibig sabihin, wala nang pamahalaan o administration dahil pinapatay ng mga dukha ang mga mayayaman na dating nasa gobyerno. Mula sa kaguluhan na ito, dumating ang isang dakilang heneral na nagngangalang Napoleon Bonaparte. Ginamit 'nya ang kanyang hukbong na iniwan sa kanya ng hari ng France at nag-simula siya ng PINAKA-UNANG coup d'etat (kudeta) sa buong kasaysayan ng mundo. Mula sa kanyang kudeta, "pinatahimik" 'nya ang sumasalungata sa kanya at nagsimula siya ng kanyang pamahalaan. Mas lalong lumakas ang bansa ng France na sinakop ni Napoleon Bonaparte halos ang buong Yuropa (maliban sa Inglatera at Rasya). Mula sa kwento ni Bonaparte, marahil na ang lunas para sa ating bulok na pulitikong sistema ay hindi Parlyamentaryang sistema pero ang "power vacuum". Mula sa "power vacuum", halos magsisimula ulit tayo ng bago. "Fresh and clean start" kung baga, at sisiguraduhin natin na hindi natin uulitin ang mga ating mga pinagkamali. Itong "power vacuum" ay ang makakalinis sa ating napapanis na pulitiko. Kaya para makarating sa "power vacuum" kailangan ng madugo at marahas na digmaan o himagsikan. Dapat maintindihan ng mga Pilipino na upang makarating tayo sa gusto nating paroroonan, dapat rin tayo lumingon. Hindi lahat ng bagay sa mundong ito ay libre, dapat tayong may sakripisyo...dapat tayo magbayad. Tiwala, sakripisyo at pagkatatag. Mabuhaykahanga-hanga ang pinapakita mong katapatan at pagmamahal sa bayan.... tama ka na kailangan ng isang tao ang pagtitiwala sa kanyang kapwa para umunlad at para magkaroon ng magandang bukas.... subalit sa aking palagay, hindi tama na magbuwis ng maraming buhay para lang makatamtan muli ng isang tao ang kahalagahan ng pagtitiwala, hindi makatao na idadamay mo ang mga inosenti sa sinasabi mong digmaan para lang makuha muli ang kaunlaran at kaayusan ng isang bansa. paano ka nakakasiguro na pagkatapos mong gawin ang bagay na iyan, lilitaw ang sinasabi mong kaunlaran? paano mo malalaman na kung ang taong gagawa ng sinasabi mong digmaan ay tunay na nagpapahalaga sa kanyang kapwa and hindi sa sariling interest lamang? isa pa iba ang mga tao sa france at pilipinas, paano mo malalaman na ganyan din ang kakahantungan ng gagawin mong aksyon? sa tingin ko masyado ka lang nagpadala sa idolo mo..... dapat mong tandaan na hindi lahat ng bagay ay aayon sa kagustuhan mo. wag ka na mang masyadong marahas dahil walang naaayos sa ganyang paraan... kung mayroon man sa panlabas lang na kaanyuhan.... maaantim mo ba na maunlad nga ang isang bansa subalit ang mga tao namang naninirahan dito ay hinahabol ng isang madilim na nakaraan?
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Thu Dec 01, 2005 6:17 pm
swakikiki kahanga-hanga ang pinapakita mong katapatan at pagmamahal sa bayan.... tama ka na kailangan ng isang tao ang pagtitiwala sa kanyang kapwa para umunlad at para magkaroon ng magandang bukas.... subalit sa aking palagay, hindi tama na magbuwis ng maraming buhay para lang makatamtan muli ng isang tao ang kahalagahan ng pagtitiwala, hindi makatao na idadamay mo ang mga inosenti sa sinasabi mong digmaan para lang makuha muli ang kaunlaran at kaayusan ng isang bansa. paano ka nakakasiguro na pagkatapos mong gawin ang bagay na iyan, lilitaw ang sinasabi mong kaunlaran? paano mo malalaman na kung ang taong gagawa ng sinasabi mong digmaan ay tunay na nagpapahalaga sa kanyang kapwa and hindi sa sariling interest lamang? isa pa iba ang mga tao sa france at pilipinas, paano mo malalaman na ganyan din ang kakahantungan ng gagawin mong aksyon? sa tingin ko masyado ka lang nagpadala sa idolo mo..... dapat mong tandaan na hindi lahat ng bagay ay aayon sa kagustuhan mo. wag ka na mang masyadong marahas dahil walang naaayos sa ganyang paraan... kung mayroon man sa panlabas lang na kaanyuhan.... maaantim mo ba na maunlad nga ang isang bansa subalit ang mga tao namang naninirahan dito ay hinahabol ng isang madilim na nakaraan? Nuunawaan ko na maawa ka sa kapwa mong Pinoy na kung sila ay pinasugod sa digmaan, pero kung sila man ay namatay sila ay mararangalanganan na mga bayani na namatay para sa ating bansa. At alam ko na magkaiba ang kasaysay ng Pilipinas at ng Pranse dahil mas bata pa ang gulang ng Pilipinas kung ikumpara sa Pranse. "Socially developed" ang Pranse kaya mas umaasenso sila kaysa sa ating bansa na "developing" pa lang. At totoo na ang ating kahapon ay madilim dahil bata pa nga ang ating kasaysayan. Mga limang-pung taon lang ang gulang ng Pinoy "sovereignity" kaya hindi pa tayo gaanong marunong sa demokrasya. Minungkahi ko lang na isang gradeng gera dahil ang rebolusyon at digmaan ay makakabilis sa ating "social development" ng ating bansa dito sa mundo na nauuna na sa atin. Ibig sabihin, upang malibing natin ang ating madilim na kahapon dapat tayong magmadali sa ating kinabukasan sa paggagamit ng "assertive authority" at "lubos na kapangyarihan", makamtan ang mga ito sa dahas at sakripisyo.
|
 |
 |
|
|
Talumpati at Sinta Vice Captain
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Fri Dec 02, 2005 9:12 pm
Weed Unit Under Blue Sky swakikiki kahanga-hanga ang pinapakita mong katapatan at pagmamahal sa bayan.... tama ka na kailangan ng isang tao ang pagtitiwala sa kanyang kapwa para umunlad at para magkaroon ng magandang bukas.... subalit sa aking palagay, hindi tama na magbuwis ng maraming buhay para lang makatamtan muli ng isang tao ang kahalagahan ng pagtitiwala, hindi makatao na idadamay mo ang mga inosenti sa sinasabi mong digmaan para lang makuha muli ang kaunlaran at kaayusan ng isang bansa. paano ka nakakasiguro na pagkatapos mong gawin ang bagay na iyan, lilitaw ang sinasabi mong kaunlaran? paano mo malalaman na kung ang taong gagawa ng sinasabi mong digmaan ay tunay na nagpapahalaga sa kanyang kapwa and hindi sa sariling interest lamang? isa pa iba ang mga tao sa france at pilipinas, paano mo malalaman na ganyan din ang kakahantungan ng gagawin mong aksyon? sa tingin ko masyado ka lang nagpadala sa idolo mo..... dapat mong tandaan na hindi lahat ng bagay ay aayon sa kagustuhan mo. wag ka na mang masyadong marahas dahil walang naaayos sa ganyang paraan... kung mayroon man sa panlabas lang na kaanyuhan.... maaantim mo ba na maunlad nga ang isang bansa subalit ang mga tao namang naninirahan dito ay hinahabol ng isang madilim na nakaraan? Nuunawaan ko na maawa ka sa kapwa mong Pinoy na kung sila ay pinasugod sa digmaan, pero kung sila man ay namatay sila ay mararangalanganan na mga bayani na namatay para sa ating bansa. At alam ko na magkaiba ang kasaysay ng Pilipinas at ng Pranse dahil mas bata pa ang gulang ng Pilipinas kung ikumpara sa Pranse. "Socially developed" ang Pranse kaya mas umaasenso sila kaysa sa ating bansa na "developing" pa lang. At totoo na ang ating kahapon ay madilim dahil bata pa nga ang ating kasaysayan. Mga limang-pung taon lang ang gulang ng Pinoy "sovereignity" kaya hindi pa tayo gaanong marunong sa demokrasya. Minungkahi ko lang na isang gradeng gera dahil ang rebolusyon at digmaan ay makakabilis sa ating "social development" ng ating bansa dito sa mundo na nauuna na sa atin. Ibig sabihin, upang malibing natin ang ating madilim na kahapon dapat tayong magmadali sa ating kinabukasan sa paggagamit ng "assertive authority" at "lubos na kapangyarihan", makamtan ang mga ito sa dahas at sakripisyo. so ang gusto mo ay para makuha natin ang pinapangarap na kaunlaran kailangan natin itong gawin sa mabilisan naparaan na may halong karahasan at hindi sa malumanay o mapayapa na kilos...... alam mo sa tingin ko parang tumatakbo ka lamang sa problema kung gagawin mo ang bagay na iyan sa kadahilanan na para mo lang binura ang kung ano ang nasa ibabaw at hindi ang inuugatan nito. at isa pa, di ba sinabi mo na "Mga limang-pung taon lang ang gulang ng Pinoy "sovereignity" kaya hindi pa tayo gaanong marunong sa demokrasya". at kung ganito nga ang kalagayan natin ngayon so how sure are you that after the war we can really get what we are fighting....?
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
 |
|
|
|
|
|