Welcome to Gaia! ::

Reply Ulong Himpilan ng Samahang Makabansa
Ako! Ako! Lagi na lang ako! Goto Page: [] [<] 1 2

Quick Reply

Enter both words below, separated by a space:

Can't read the text? Click here

Submit

Talumpati at Sinta
Vice Captain

PostPosted: Thu Jun 30, 2005 5:49 pm


maryclaude
ang alam ko kaya naging bayani si rizal kasi lumaban sya pero di sya gumamit ng dahas. pero syempre nandoon din yung impluwensya ng mga amerikano. pero para sakin dapat si Andres talaga ang pambansang bayani ng Pilipinas!


Maliban sa unang parte...naniniwala rin ako sa sinabi mo. Alam ko talaga ang mga kano ang may pakana dito dahil sila ang nag-ayos ng edukasyon na nasa Pinas pa rin. At sila rin ang nagpasimuno ng mga bayani.
PostPosted: Fri Aug 12, 2005 1:38 pm


We need to petition about this. We should have them deemphasize Jose Rizal. ummmm...How can we do that?

Talumpati at Sinta
Vice Captain


rooftop gardener

Newbie Traveler

PostPosted: Sat Aug 20, 2005 10:28 pm


May nabasa akong article. Veneration Without Understanding by Renato Constantino. Check nyo dito sa site na ito. Andun siya sa bandang dulo.
----->VWU <-----

Tungkol dun sa article, basahin nyo sya. Infairness, hindi naman anti-rizal yan. In fact, nagpresent din si Constantino ng mga facts na ginawa ni Rizal at hindi naman din nagbigay si Constantino ng mga dapat ipalit.

FYI, ang pumili po kay Rizal bilang National Hero ay kinocompose ng mga amerikano at 2 Filipino. Infairness, ang vote ng amerikano, si Rizal kasi nga writing ang ginamit nya. Yung 2 Filipino, pareho silang galing sa illustrado class kaya malamang, si Rizal din ang choice nila. Tatlo yata napagpilian para sa Nat'l hero - Si Rizal, Bonifacio at Mabini. Si Bonifacio, scrap agad kasi nga rebolusyonaryo. Kapag yun ang naging nat'l hero, malamang mag-aklas din tayo sa amerika. Si Mabini naman, wala daw kwenta ang death. Namatay yata sya sa sakit kaya hindi magandang ipresent ang buhay niya. Si Rizal naman, siya ang itinuturing na Kristong Tagalog. Maganda "daw" kasi ang pagkakahabi ng buhay. Perfect kungbaga.

Pero hindi naman yung National Heroism ang pinaglalaban ko. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng pantay na karapatan ang iba pang bayani. Kung maaari nga, wag na tayong magkaroon ng Nat'l Hero. Nagkakaroon kasi ng stratification sa mga bayani eh. Parang kahit pareho silang nagdusa sa Pilipinas, ang na-dodoctrinate sa mga kids ay mas mataas yung isa kasi siya ang Nat'l hero at yung iba ay chaka lang. Kung pinababasa sa HS at 2 taong ipinupukpok para intindihin ang mga akda ni Rizal, ganun din ang gawin nila sa mga akda ng iba pang bayani tulad ni Jacinto, Bonifacio atbp.

Sorry po, natagalan ang reply. Ngayon lang ako nagka-time kasi natabunan ako ng sangkatutak na exams at empirical papers. cry
PostPosted: Sun Oct 09, 2005 10:21 pm


pandora002
Nagulat ako ng makita ko ang mga subjects na nakalagay sa aking form 5. Third year na nga pala ako.. May PI 100 na ako! Ibig sabihin, isang buong sem akong makikinig sa aking guro na walang ibang gagawin kundi ang purihin at ipangalandakan ang kagalingan ng itinuturing na Pambansang Bayani ng bansa.. walang iba kundi si Dr. Jose Protacio Rizal.

Hindi naman sa galit ako kay Rizal o ano man. Naaalangan lang ako sa sobra sobrang pagpuri na ginagawa sa kanya ng bansa. Kung tutuusin, mas marami pa namang ibang bayani na mas karapat dapat kaysa sa kanya pero bakit ganun? bakit siya na lang lagi. May sarili na nga siyang holiday (June 19), may sarili pa rin siyang park (Luneta). Pinag-aralan na nga nung highschool ang Noli at El Fili, pag-aaralan pa ba naman ngayong college ang buhay niya. Hindi ba sobra sobra na yun? Over exposed na siya. Maiba naman sana. Nakakaawa naman yung ibang mga bayani na pinagsama sama na lang ang holiday sa iisang araw (nov 30). Nakakaawa naman sila sapagkat wala silang kagalang galang na monumento na katulad ng kay Rizal.

Ano bang meron si Rizal na wala ang ibang bayani at siya lang ang laging napaparangalan? Andiyan rin naman sina Emilio Jacinto, Apolinario de la Cruz at Andres Bonifacio. Bakit ba si Rizal na lang lagi? Sa katapangan, siya. Sa talino, siya. Sa kagitingan, siya. Kung buhay lang siguro si Rizal, malamang sasabihin niya ang mga salitang "Ako! Ako! Lagi na lang ako!". Sa halip siguro na matuwa siya sa kasikatang tinatamasa niya, malamang mainis pa siya dahil ang tingin ng mga tao sa kanya ay perpekto. Walang sinumang bayani ang pwedeng ihalintulad sa kanya. na-pokus na sa kanya ang limelight.. Kaylan kaya darating ang araw na bibigyang halaga naman ang ibang bayani?


form 5? r u from UP? hi..im Upian too...2nd year psych major sa UP Cebu
tnx for providing an overview of a boring subject to look out for..

jedski


rooftop gardener

Newbie Traveler

PostPosted: Sat Nov 12, 2005 8:03 pm


[ Message temporarily off-line ]
PostPosted: Thu Dec 08, 2005 4:51 am


ano ba ang bayani? cno ba sya? bakit merong bayani? hmm.... sa pagkakaalam ko ang bayani po ata ay isang simbolismo, ung tipong iniidolo ng mga tao, bakit c rizal? bakit hindi c bonifacio? o c Mabini? o c Aguinaldo? dapat ata pantay pantay lng cla dba? dapat my bayani ng kagitingan - Bonifacio, Bayani ng Katalinuhan - Rizal, Bayani ng Kalayaan?? - Aguinaldo. hmm parang mali ata ung huli, anywayz, dapat ganyan nlng ung naging setup ng mga bayani dba? para marami tyo iniidulo.

kung ako ang papipiliin ng isa lamang, para skin cguro c Lapu-lapu, tingin ko sya lng ang tunay na Pilipino na lumaban s kastila. C rizal my dugong intsik un eh, pati c bonifacio my dugong dayuhan. correct me if im wrong. dba mas asteeg c Lapu-lapu, ni hindi sya nagdalawang isip na ipagtanggol ang sariling bayan!!! un ang tunay na SUGOD MGA KAPATID!!!

redcopycat


jay-em

PostPosted: Sat Dec 10, 2005 1:15 am


ang sken lang po kung si rizal na talaga ang inilagay bilang pambansang bayani... then be it.. dahil kung hindi dapat sya ang nandun ay matagtal na syang pinalitan..
i mean siguro hindi sila ganun kabobo para ilagay ang isang bayani n hindi nman pala karapatdapat...
and kung nagrereklamo ka about sa rizal na subject dun ka magreklamo sa dept. ed...
be optimistic naman pow...


peace... biggrin
PostPosted: Thu Dec 29, 2005 3:45 am


Mareng Jay-em, Your comment made me laugh. lol

jay-em
ang sken lang po kung si rizal na talaga ang inilagay bilang pambansang bayani... then be it.. dahil kung hindi dapat sya ang nandun ay matagtal na syang pinalitan..


Una po, dati pa naman talaga gustong mapalitan ang pambansang bayani ng Pilipinas eh. Hindi lang magawa-gawa dahil sa dami ng "inaasikaso" ng senado, ewan ko lang kung mauuna pa nila yun.

Quote:
i mean siguro hindi sila ganun kabobo para ilagay ang isang bayani n hindi nman pala karapatdapat...
hindi ko po alam kung nagbasa ka ng mga next na posts ko. nakasulat dun yung mga taong pumili sa kanya as national hero. Hindi naman siguro sa ganun sila katanga, maaari lang na may hidden agenda sila. yun lang.

Quote:
and kung nagrereklamo ka about sa rizal na subject dun ka magreklamo sa dept. ed...
Si Claro M. Recto ang nagpasa ng bill na tungkol sa PI 100. Bago nya yun nagawa, dumanas siya ng iba't ibang batikos at hirap, samahan mo pa ang mga congressmen na mahirap hagilapin. Powerful na tao na siya ha pero nakadanas pa din siya nun? Hindi ako kasing powerful ni Recto, pero umaasa ako na balang araw, kapag naging powerful din ako, malay mo, ipasa ko ang bill na magaabolish sa PI 100.

I am trying to create a good thread here kung saan ang lahat ng tao ay makapagbibigay ng kani-kanilang opinion na magpreresent ng iba't ibang sides. Please, kung wala kang mas magandang sasabihin bukod dito, sana hindi ka na lang nagsalita di ba?

Quote:
be optimistic naman pow...
Hindi ko nagets to.. sweatdrop Pero tungkol sa way of thinking ko na medyo saliwa at mejo pa-kritiko, sorry, I like thinking out of the box. ganito ko magbigay ng opinion eh. xd I just say what's on my mind, regardless of the fact that it is against the "norm". Naniniwala din kasi ako na hindi maitatama ang isang bagay na mali kung hindi mo sisimulang pansinin di ba?

oh, by the way, PEACE din. biggrin

redcopycat, tinatamad akong sumagot nagun sa comment mo. next time na lang. mrgreen

rooftop gardener

Newbie Traveler


flashpoint
Captain

PostPosted: Tue Jan 03, 2006 7:13 am


May breakthrough akong nabasa.....

ayon sa diary ni Pio Valenzuela (yung kumausap kay Rizal sa Dapitan about sa rebolusyon) ay hindi naman daw totally against si Rizal sa revolution eh. Sabi ni Rizal kailangan ng good timing at dapat daw lahat ng Pilipino makikisa. Sabi pa daw, kapag idadala na raw si Rizal sa Manila, aambushin daw nila ang Guardia Civil para iligtas si Rizal upang siya ang maglead ng revolution.

Well, siguro naman alam niyo na yung sumunod na nangyari. Sumiklab ang rbeolusyon, binitay si Rizal bilang isang martir at *splok* National Hero
PostPosted: Sun Jul 02, 2006 7:43 am


Hindi ko na yata kayang ipagpatuloy ang article na ito dahil sa aking natuklasan. sweatdrop May possibility pa yatang descendant ako ng mga nanay ni Rizal (Teodora Alonzo). Ibig sabihin, kamag-anak ko si Rizal?! kamusta naman?!

rooftop gardener

Newbie Traveler

Reply
Ulong Himpilan ng Samahang Makabansa

Goto Page: [] [<] 1 2
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum