GUIDELINES

Ang mga sumusunod ay ang mga alituntunin na dapat tandaan sa pag-sponsor ng iyong contest.1. Tinatanggap mo ang buong responsibilidad sa pag-sponsor ng iyong contest.
2. Maging patas at matapat sa pagpatakbo ng kontes mo, mula sa pagsunod sa mga contest rules mo hanggang sa pagpili ng winners.
3. Siguraduhing ibigay ang premyo ng mga nanalo.
4. Inirerekomenda ng IWC na sundin ang structure sa paggawa ng contest. Makikita ito sa post kasunod nito.
5. Bawal na i-cancel ang contest kapag marami na ang sumali. Pag mangyari ito, ililista ka sa black list.
stressed 5. Sa anu mang tulong maliban sa pinansiyal
rofl ay sumangguni lamang sa kahit sinong IWC Staff na online.
CONTEST STRUCTURE

Ito lamang ay aming nirerekomenda para sa matiwasay na pagsponsor ng iyong contest. Maaring hindi sundin lahat depende sa iyong sariling istilo. Ang mga sumusnod ay dapat makita sa iyong contest.1. Logo o banner ng iyong contest
2. Contest Title in text (Dapat catchy at hindi sobrang haba)
3. Tagline ng iyong contest
4. Mechanics - Isulat dito ang napakalinaw na instructions ng iyong contest.
5. Criteria - Kailangan mo nito kung presentation-based ang iyong contest
6. Judges - Ilista kung sino sila kung kailangan mong may tutulong sayo sa pag judge.
7. Prizes - Kung magkano ang mapapanalunan nila, at kung ilan ang mananalo.
8. Date/Time/Venue - Siguraduhing nakasaad din kung merong deadline ang iyong contest, o kung kailan ito matatapos.
9. List of winners
10. Affiliates/Plugging/acknowledgement
Inuulit ko, hindi lahat ng sampu na yan ay kailangang makita sa iyong contest. Ang sa tingin mo lang kung ano ang kailangan at importante. Matanda kana. Alam mo na yan. Ayos?