its not absurd or wrong in any way, sa tingin ko. napakalaki ng nakakamkam ng gobyerno na salapi mula sa mindanao. saan napupunta? saan pa, e di sa luzon, andun ang malakanyang eh, andun ang pangarap, andun ang mga proyektong pang-kabuhayan, andun ang mga proyektong inprastraktura, andun halos lahat. wala halos natitira sa mga nag-generate ng salapi na yun. kaya tingnan mo ang mindanao, maya-maya may manggugulo, mambobomba, at kung anu-ano pa. ano ginagawa pag ganun? takte, hihigpitan ang mga lagusan pa-luzon pare! sa mindanao? wala tsong, magpapadala ng mga walang kalibreng sundalo at ipagdadasal na lang na manalo ang mga 'to.

ngayon, kung ikaw ay isa sa kanila, hindi mo ba gugustuhing mahiwalay na lang sa isang gobyernong ang tanging pagpaparamdam lang na ginagawa ay ang pagkamkam ng salapi na kayo naman ang gumawa?

think about it before blurting out prejudicial and offensive opinions.