Welcome to Gaia! ::

Reply Ulong Himpilan ng Samahang Makabansa
Ako! Ako! Lagi na lang ako! Goto Page: 1 2 [>] [»|]

Quick Reply

Enter both words below, separated by a space:

Can't read the text? Click here

Submit

rooftop gardener

Newbie Traveler

PostPosted: Sat Jun 11, 2005 11:11 pm


Nagulat ako ng makita ko ang mga subjects na nakalagay sa aking form 5. Third year na nga pala ako.. May PI 100 na ako! Ibig sabihin, isang buong sem akong makikinig sa aking guro na walang ibang gagawin kundi ang purihin at ipangalandakan ang kagalingan ng itinuturing na Pambansang Bayani ng bansa.. walang iba kundi si Dr. Jose Protacio Rizal.

Hindi naman sa galit ako kay Rizal o ano man. Naaalangan lang ako sa sobra sobrang pagpuri na ginagawa sa kanya ng bansa. Kung tutuusin, mas marami pa namang ibang bayani na mas karapat dapat kaysa sa kanya pero bakit ganun? bakit siya na lang lagi. May sarili na nga siyang holiday (June 19), may sarili pa rin siyang park (Luneta). Pinag-aralan na nga nung highschool ang Noli at El Fili, pag-aaralan pa ba naman ngayong college ang buhay niya. Hindi ba sobra sobra na yun? Over exposed na siya. Maiba naman sana. Nakakaawa naman yung ibang mga bayani na pinagsama sama na lang ang holiday sa iisang araw (nov 30). Nakakaawa naman sila sapagkat wala silang kagalang galang na monumento na katulad ng kay Rizal.

Ano bang meron si Rizal na wala ang ibang bayani at siya lang ang laging napaparangalan? Andiyan rin naman sina Emilio Jacinto, Apolinario de la Cruz at Andres Bonifacio. Bakit ba si Rizal na lang lagi? Sa katapangan, siya. Sa talino, siya. Sa kagitingan, siya. Kung buhay lang siguro si Rizal, malamang sasabihin niya ang mga salitang "Ako! Ako! Lagi na lang ako!". Sa halip siguro na matuwa siya sa kasikatang tinatamasa niya, malamang mainis pa siya dahil ang tingin ng mga tao sa kanya ay perpekto. Walang sinumang bayani ang pwedeng ihalintulad sa kanya. na-pokus na sa kanya ang limelight.. Kaylan kaya darating ang araw na bibigyang halaga naman ang ibang bayani?
PostPosted: Sun Jun 12, 2005 10:37 am


sa totoo lang..para sa akin ay hindi siya karapat dapat na maging bayani ngPilipinas..siguro dahil ang nagtalaga sa kanya bilang pambansang bayani natin ay ang mga Amerikano..

sabi sa akin ng ate ko,kaya siya ang napili nilang bayani ay sa kadahilanang hindi siya gumamit ng baril o itak para labanan ang mga mananakop..ang gamit niya ay pluma at papel..na dapat natin itong tularan dahil ito ang tamang paraan ng pakikidigma..hindi madugo..hindi padalos-dalos..pero sa katotohanan ay nilason lamang nila ang ating mga isipan para hindi tayo umalma at mag aklas laban sa kanila..

yun lang po... sweatdrop

[ack! did i make sense?! i dun think i did.. sweatdrop ]

Higgledy Piggledy


Talumpati at Sinta
Vice Captain

PostPosted: Sun Jun 12, 2005 10:49 am


Sa alam ko...mga Imperyalistang Amerikano ang nagpasimuno ng sobrang pagpupuri kay Rizal. Sila rin ang nagsabing Pambansang Bayani dapat si Rizal. Ang paborito ko ay si Andres e...pero baka natakot ang mga Kano na maging komunista ang mga Pilipino kung lubos na purihin si Andres.

Palagay ko lang iyon.
PostPosted: Mon Jun 13, 2005 11:06 am


Pantay-pantay naman ang pagaaral namin sa mga bayani noong mag-aaral pa lamang ako..Nagkataon lang na nagsulat ng mga nobela si Rizal kung kaya't napapasama sya sa Literatura.. Pinagaralan din namin ang sinulat ni Apolinario Mabini at ni Andres Bonifacio.

Sya ang naging bayani dahil nagtataglay ng "kagitingan" ang kanyang pagkamatay...

May mga panuntunan kung bakit sya ang naging bayani...hahanapin ko at isusulat ko sa aking susunod na tala.

eychbee


`keNj

1,725 Points
  • Hygienic 200
  • Grunny Grabber 50
  • Grunny Rainbow 100
PostPosted: Tue Jun 14, 2005 4:03 am


ang hirap pala magbasa ng purong Filipino dito sa gaia..pero wala po akong reklamo! ayun...napabukas po ako ng libro para lang sa usaping ito at ito ang nasusulat:

Why is Rizal a hero, nay, our foremost national hero?
He is our greatest hero because, as a towering figure in the Propaganda Campaign, he took an "admirable part" in that movement which roughly covered the period from 1882 to 1896. If we were asked to pick out a single work by a Filipino writer during this era which, more than any other writing, contributed tremendously to the formation of Filipino nationality, we shall have no hesitation in choosing Rizal's Noli Me Tangere....


mahaba pa po, pero ang sabi ay:
marami din daw ibang nationalistic writers kaso hindi daw nakakuha ng favorable at unfavorable comments mula sa mga kaibigan at kaaway na gaya ng natamo ng Noli ni Rizal...



isa lang yan sa rason ngunit hindi ko ipinapahiwatig na pabor ako dito...
nais ko lang iparating sa inyo ang nakasulat sa libro ko! stressed
magpopost ulit ako ng iba pero hindi muna sa ngayon
at magpopost naman din po si ate eychbee! biggrin



Reference:
Jose Rizal: Life, Works & Writings
of a Genius, Writer, Scientist,
and National Hero
by Gregorio F. Zaide and Sonia F. Zaide
PostPosted: Thu Jun 16, 2005 4:12 am


Hindi naman sa ayaw kong maging bayani si Rizal ano, pero feeling ko kasi, na-overexposed na siya. Naging masyado ng pagmamalabis ang pamumuri at pagdakila sa kanya. Siguro deserving siya para parangalan bilang bayani pero ang paghandugan siya ng 2 holiday at 3 subjects bilang sentro ng pag-aaral tapos sa iba wala, ah, sobra na ito.

Hindi ko kailanman matatanggap kung sasabihin nilang "pen is mightier than the sword" kaya si Rizal lang ang binibigyang puri. in the first place, may mga sinulat din ang mga bayaning sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto. Infairness, kung pagiging Pilipino rin lang ang pag-uusapan, mas pinoy yung gawa ng dalawa. Kung panghihikayat naman, ipupusta ko mga kuko ko sa paa na mas malaki ang porsiyento ng nahikayat ni Bonifacio sa mga akda nila sa Kalayaan Magazine kaysa sa 2 nobela ni Rizal na pinag-aaralan ngaun. Proven yan ni Virgilio S. Almario sa book niyang Panitikan ng Rebolusyon 1896 at sa book na Pasyon and Revolution (nalimutan ko title).

Para sa akin lang, hindi ako hanga sa El Filibusterismo.. para sa akin, isa lang itong imitation ng akda ni Alexander Dumas na The Count of Monte Cristo. Try nyong basahin, pareho sila ng theme. ninja

rooftop gardener

Newbie Traveler


eychbee

PostPosted: Thu Jun 16, 2005 7:34 am


marahil hindi mo nabasa sa mga aklat na ang nagpasiklabsa puso ni Bonifacio para mgakda ng mga aklat na iyon ay dahil nabasa nya ang mga nobela ni Rizal. smile
PostPosted: Thu Jun 16, 2005 7:56 am


eychbee
marahil hindi mo nabasa sa mga aklat na ang nagpasiklabsa puso ni Bonifacio para mgakda ng mga aklat na iyon ay dahil nabasa nya ang mga nobela ni Rizal. smile


Oo nga ano. Tama ka.

Talumpati at Sinta
Vice Captain


rooftop gardener

Newbie Traveler

PostPosted: Fri Jun 17, 2005 2:49 am


eychbee
marahil hindi mo nabasa sa mga aklat na ang nagpasiklabsa puso ni Bonifacio para mgakda ng mga aklat na iyon ay dahil nabasa nya ang mga nobela ni Rizal. smile


Reading Lesson #1 na natutuhan ko: Wag paniniwalaan ang lahat ng nababasa. Hindi ako naniniwala ng buo sa mga history books. Nagtutugma tugma ako ng references. Hindi naman Pilipino ang tunay na nagsulat nun. Dayuhan. O kung Pilipino man na tulad ni Agoncillo, ang mga references niya ay dayuhan din. Malamang, ayon sa perspective nila iyon titingnan. Dun sa dalawang cite ko na libro sa taas, ang view nila ay hindi naging malaking inspirasyon ni Bonifacio si Rizal pagdating sa himagsikan. Para sa kanila, sina Jacinto at Bonifacio sampu ng iba pang mga bayani ay hindi nakipaglaban at nag-akda ng mga literatura dahil lang nabasa ang isa o dalawang libro, lumaban sila dahil sa nakikita nilang facts na nangyayari sa paligid. Ang panggigipit ng mga dayuhan, pang-aalipusta at pangmamaliit ang naging inspirasyon nila. Mas matimbang ang mga nakikita at nararamdaman kaysa nababasa lamang.

Sabihin na nating naging inspirasyon ni Bonifacio si Rizal pero hindi ako naniniwala na ganoon kalaki. Unang una, taliwas ang paniniwala nilang dalawa. Pangalawa, totoong nabasa ni Bonifacio ang 2 nobela ngunit walang makapagsasabi na gusto nga niya ito. Marami pang ibang librong nabasa si Bonifacio bukod sa Noli at Fili kaya hindi tamang yun lang ang sabihing inspirasyon. Malay ba natin kung pakana lang ulit yan ng mga may kapangyarihan upang lalong palakasin ang laban ni Rizal para maging National Hero ng bansa?
PostPosted: Fri Jun 17, 2005 10:45 am


marahil magkaiba nga sila ng pinaniniwalaan...iisa ang kanilang mithiin na palayain ang Pilipinas (kung nararapat nga tayong tawaging Pilipinas dahil dayuhan din ang nagpangalan sa bansang it ng ganon) sa pamamagitan ng pagsusulat kay Rizal at pakikipaglaban kay Bonifacio. Ang nais ko lang iparating ay nang dahil sa mga sinulat ni Rizal, namuo sa mga tao, kasama si Bonifacio na umaksyon sa pangaalipusta sa atin ng mga Kastila. Hinadlangan ang mga taong basahin ang mga nobela ni Rizal, kung kaya naman binasa ito ng lahat.

lahat naman ng mga aklat tungkol sa history ng Pilipinas ay dayuhan ang nagsulat. ngunit meron pa ring mga Pilipino na bagamat hinango ang kanilang mga akda sa mga naisulat na ng mga dayuhan ay nagbigay pa rin ng kanilang kuro-kuro at pananaw.

eychbee


rooftop gardener

Newbie Traveler

PostPosted: Fri Jun 17, 2005 9:09 pm


nakakainis, ang haba haba ng sinulat ko tapos nung isesend ko na, biglang nag Page Cannot Find Server. Grrr.... anyways, uulitin ko na lang.

Katulad ng malimit kong sinasabi, hindi naman ako against na parangalan ni Rizal at dakilain siya. Ang sa akin lang, maging fair tayong mga Pilipino. Kung ano ang tinatamasa ni Rizal, ganoon din ang ibigay sa iba pang mga bayani. Ang ibang bayani, walang nagbabasa ng mga sinulat nila at walang nakakaalala ng buhay nila.. pero si Rizal, over na. ang dami dami na ngang iba't ibang version. Pati yung love story at sex life niya, may storya na rin. In the first place, hindi naman sa pang-ookray kay Rizal, baka nga mas deserving pa yung iba kaysa sa kanya di ba?

Hindi ako naniniwala na si Rizal ang dahilan ng Himagsikan. OO, isa siya sa pinakamagaling na propagandista pero ober naman kung pati himagsikan kukunin nya rin ang credits. Ibigay nya na sa mga katipunero yun. Sa totoo lang, hindi ako naniniwalang naging ganun kalaki ang impact ng Noli at Fili sa mga Pinoy para maging katipunero sila. Katulad ng sinabi ko sa first post, mas malaki ang nagawa nina Jacinto at Bonifacio para paalabin ang puso ng mga tao kaysa sa mga nobela ni Rizal. Kapag sinasabi ng mga history books na si Rizal lang ang credit kaya nagkahimagsikan, napapaisip ako. Ganoon ba katanga noon ang mga Pilipino? Oo, hindi sila nakapag-aral pero hindi naman siguro kaylangan ng bachelor degree para makita at madama mo ang pang-aalipusta na nasa paligid mo di ba? Sila na nakatira sa bansa mula ng ipanganak sila at inaasahang mamatay na din doon. Sila na araw araw ay nakakatikim ng panlalait mula sa mga kastila at feeling kastila. Ganoon ba sila kabulag at walang pakiramdam at tanging isang propagandista na nakatira pa sa Espanya ng ilang taon ang nakakita nun?

Ang totoo, sinabi lang ng mga ito ang mga bagay na alam na talaga ng mga Pilipino. Ang layunin ng Noli at Fili ay upang ipakita sa Espanya at sa buong mundo na ang isang indiyo ay marunong ding magsulat. Nilikha ito ni Rizal upang ipakita sa espanya mismo ang mga kahirapan at pang-aalipusta na nangyayari sa bansa nung panahong iyon. Ibig niyang hilingin na maging probinsya ng espanya ang bansa at hindi ang pagpapalaya sa atin. Hindi ito nilikha ni Rizal para mapaalab ang puso ng mga Pilipino kasi kung ginawa niya yun, sana sinulat nya din ang Noli at Fili sa tagalog para lalong maintindihan ng tao.

Si bonifacio, unfair naman sa tao na lagi lang idikit ang pangalan niya kay Rizal. Infairness, kahit hindi siya nag-aaral sa Ateneo o sa espanya, marunong siyang mag-kastila. Nakapagbasa naman din siya ng madami dami ding libro kaya wag namang laging sabihin na si Rizal lang ang tanging inspirasyon niya.

Tama ka, lahat ng history books ay dayuhan ang pinagkuhanan kaya lang, sana ang ibang mga Filipino Historians ay lumikha ng sarili nilang perspektibo. Hindi Pilipino ang nagsulat kaya mapangmaliit sa mga indiyo ang sinulat nilang history. Nung mabasa nga mga historians na Pinoy, sa halip na idepensa ang mga kapwa nila indiyo, kinopya na lang nila ang naunang naisulat na idea.

Nalimutan ko na yung iba kong idea, saka na lang siguro ako babalik. Ciao!
PostPosted: Fri Jun 17, 2005 10:12 pm


hindi ko rin naman pinagpipilititan na tama ang pagpili kay Rizal o ano-anu pa man, sinasabi ko lang na sa mga aklat si Rizal ang pinararangalan na nagpasiklab ng rebolusyon sa pamamagitan ng mga akda. marami na ang naging debate kung sino dapat ang maging pambansang bayani..nang pinarangalan si Rizal ay marami na kagad sumalungat, ngunit sa pagpupulong-pulong at sa mga desisyon, may mga panuntunan ang gobyerno noon kung bakit si Rizal ang pinuno... (isusunod ko
ang mga panuntunan na yun) ang mga napagpilian noon ay si Graciano Lopez Jaena at Jose Rizal. Nanalo si Rizal dahil sa "magiting" ang kanyang pagkamatay kumpara kay Jaena na namatay sa Tuberkulosis.

Maraming inuukol na subject kay Rizal marahil na rin na sya kasi ang pambansang bayani...Parang praktikal na rin na kung sino ang pambansang bayani ay sya dapat ang pagaralan kasi kapag nagkaroon ng patagisan ng talino sa ibang bansa..at least may alam ka sa pambansang bayani. (Ngunit pano naman ang ibang bayani na dapat din sana ay alam natin ang kasaysayan.)

ngunit kung opinyon ko ang kukunin mo ay mas gusto ko si lapu-lapu ang maging pambansang bayani. sya ang kauna-unahang nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas (na noon ay hindi pa Pilipinas)

eychbee


lieyan

PostPosted: Sun Jun 19, 2005 5:58 am


alam nyo ba, na si rizal ay isa sa mga dakilang biyaya na hinandog sa pilipinas, binigyan nya ng utak at damdamin ang mga pilipino upang makapag isip. isa pa sino ba bomoto sa naturang nakaupo at sino ang pumayag na sya ang umupo? the power is in our hands actually that's what Rizal stated for in his 2 novels. Hindi nya hinangad na mahirapan tayo kaya nga nya tayo pinag laban. Marami syang kasulatana laban sa simbahan at sa pamahalaan, ngunit hanggang sulat lang ba ito? d ba kailangan may gawa din tayo, isa lamang syang manunulat, at tayo'y mang gagawa. d natin dapat hinahayaang bumagsak ang ating buhay. bakita tayo magpapa apekto sa realidad kung kaya naman natin pang hawakan ito.

isa pa sa aming pag-aaral ngayon-ngayon lamang sa pisikolihiya ay d dapat tayo nagpapahawak sa problema kundi tayo ang hahawak dito. tayo gumawa at tayo rin mag ayos. dahil tayo lamang ang bumuo nito. pinag-aralan namin ang kanyang buhay at prinsipyo kaya hindi sya dapat binabalewala lamang kahit manunulat sya.

bakit hindi nyo usisain ang kanyang buhay, ako inusisa ko na at wala akong masasabi kundi itaguyod ang nasimulan.
PostPosted: Mon Jun 20, 2005 9:25 am


Hmmmmmm....Sa alam ko, mga Kano ang pumili kay Rizal na maging Pambansang Bayani siya. Ginawa nila iyon noong koloniya pa rin tayo ng mga Kano.

E di kwan...

Pwede bang mag-petisyon na bigyan din halaga ang mga ibang bayani. Ang pili ko ay si Bonifacio (Lakas Sa Mga Dukha!....Hooray grassroots).

Talumpati at Sinta
Vice Captain


maryclaude

PostPosted: Thu Jun 30, 2005 5:42 pm


ang alam ko kaya naging bayani si rizal kasi lumaban sya pero di sya gumamit ng dahas. pero syempre nandoon din yung impluwensya ng mga amerikano. pero para sakin dapat si Andres talaga ang pambansang bayani ng Pilipinas!
Reply
Ulong Himpilan ng Samahang Makabansa

Goto Page: 1 2 [>] [»|]
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum