|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Jan 26, 2011 6:25 am
Sino sa tingin nyo ang mas karapatdapat na maging bayani ng Pilipinas? Si Jose Rizal na ginamit ang kanyang utak sa pamamaraan ng pagsulat o si Andres Bonifacio na nagtaya ng kanyang buhay sa pamamagitan ng dahas?
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Jan 26, 2011 4:15 pm
Andres Bonifacio dahil xa ang nagpagod at nakipaglaban ng buong tapang sa mga EspaƱol!!! biggrin biggrin biggrin
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Jan 26, 2011 4:48 pm
Andres Bonifacio. xD ka c ndi amn sa katalinuhan yan eh, rofl rofl rofl peo nung nahilig niyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
at nung pnatatag ung Katipunan ? kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon". ... rofl rofl rofl
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Jan 26, 2011 6:22 pm
ANDRES FLORENTINO
KAC KAMAG ANAK KO SYA XD
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Jan 26, 2011 7:42 pm
Para sa akin ay si Rizal
Hindi lamang sa dahas mapapatunayan ng isang tao na siya'y matapang at bayaning maituturing. Ang pagsulat niya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay isang katunayan at nagpamulat ng ating mga isipan laban sa mga katiwalian na ginawa ng mga mananakop.
Dahil sa pagmamahal niya sa kanyang sariling bansa at sa mga Pilipino, nagsulat siya ng mga sanaysay tungkol sa mga parata sa mga Pilipino noon. Katulad na lamang ng Sobre La Indolencia de Los Filipinos, sinulat niya ito upang mapatunayan sa mga mananakop na tayo'y hindi tamad. Ang El Amor Patria na inalay niya dahil sa lubos na pag-ibig sa inang bayan.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Thu Jan 27, 2011 7:22 am
o Siopz o Para sa akin ay si Rizal Hindi lamang sa dahas mapapatunayan ng isang tao na siya'y matapang at bayaning maituturing. Ang pagsulat niya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay isang katunayan at nagpamulat ng ating mga isipan laban sa mga katiwalian na ginawa ng mga mananakop. Dahil sa pagmamahal niya sa kanyang sariling bansa at sa mga Pilipino, nagsulat siya ng mga sanaysay tungkol sa mga parata sa mga Pilipino noon. Katulad na lamang ng Sobre La Indolencia de Los Filipinos, sinulat niya ito upang mapatunayan sa mga mananakop na tayo'y hindi tamad. Ang El Amor Patria na inalay niya dahil sa lubos na pag-ibig sa inang bayan. Naging subjective si Rizal sa kanyang mga sinulat actually. How can someone say na naiintindihan nya ang nararamdaman ng isang tao kung wala naman siya sa lugar ng taong nakakaramdam nun? Parang ganyan rin kay Rzal. Paano niya nasabing naiintindihan niya ang mga naranasan ng mga kababayan niyang Filipino noong mga panahon ng pananakop ng mga Kastila kung wala naman siya sa aktuwal na pinangyayarihan ng dahas. He was in other countries for how many years and only the letters of his brother, Paciano, narrated what was happening in the Philippines at that time. Thus, he was actually narrating from their own family (well, particularly HIS very own tragedy) misfortunes and not the Filipino's tragedy as a whole. Yes, he was compassionate about the series of unfortunate events of the Filipino before and his novels were said to be "the spark of revolution in every Filipino's hearts". YET, the fact that Rizal was in a different country, was basing his novels from Paciano's letters, and was just incorporating those narrations in his own novels under fictional characters, he never fought for the country's independence from tyranny. He was in fact pro to having the Philippines as a part of one of Spain's colonies. In addition, he died not because of fighting (through the use of his pen xD ) for the Filipino's freedom but because he was alleged to be the head of the Katipunan and the revolution per se--which he, in fact, denounced of being a part of. Thus, I believe that there are more people who deserved to be labeled as the country's national hero..and one of them is Andres Bonifacio.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Fri Jan 28, 2011 6:28 am
JOSE RIZAL PO DAHIL KUNG HINDE SA KANYA HINDE MAGHIHIMAGSIK ANG MGA PILIPINO SA KANILANG KALAYAAN
HAHHAAH !
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Fri Jan 28, 2011 8:24 am
Jose Rizal, chickboy eh. Kidding aside. Pero mas maganda sana kung Jose Rizal or Marcelo H. Del Pilar yung pinagkumpara.
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Fri Jan 28, 2011 9:15 am
Di naman kikilos sila Bonifacio kundi sa mga novels ni Rizal eh. At dahil sa pagkamatay ni Rizal, mas nagalit ung mga Pilipino kaya sumali sila sa Katipunan. Pacifism vs. Activism
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Fri Jan 28, 2011 9:53 am
Both, kasi nga, dahil kay Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda nalaman ni Andres Bonifacio ang totoo.. Kaya.. Both talaga. PROMISE!
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Sat Jan 29, 2011 6:19 pm
Sa akin si Jose Rizal... alam naman nating pare parehas silang bayani.. Kay Rizal nagumpisa ang lahat,,, ipinagpatuloy ni Andres Bonifacio ang sinimulan ni Jose Rizal... upang ipaglaban ang mga Pilipino sa mga Kastila..
Yeah.. parehas silang may magandang intensyon sa ating bansa,, ^^
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Sat Aug 13, 2011 10:00 am
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Sep 14, 2011 8:05 am
ANDRES BONIFACIO Si Jose P. Mercado-Rizal ay laki sa pamilyang ilustrado-mga Pilipinong mayayaman sa panahon ng Kastila. Ginamit niya ang kanyang utak at kasulatan upang makipaglaban sa mga Kastila. Ngunit, sa panahon ng kaguluhan, si Rizal ay pumunta sa iba't-ibang lugar upang magsulat at MAGTAGO (nagtago siya sa london). Si Rizal rin ay tila isang masamang halimbawa. Lumisan siya ng Pilipinas na may relasyon kay Leonor Rivera, ngunit nang siya ay lumabas ng bansa ay nagkaroon rin siya ng maraming babae tulad na lamang ni Gertrude Breckett, O-Sei-San, at marami pang iba.
Si Bonifacio ay isang BAYANI. Hindi siya ilustrado kaya wala siyang katarungan upang magsalita o kaya'y magreklamo, ngunit matapang niyang itinatag ang KATIPUNAN na siyang kumilos at tumulong sa mga Pilipino, habang si Rizal ay namamasyal. (Siya ay sumali sa UNIVERSAL EXPOSITION, oh diba bongga ang pasyalan noh?)
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Sep 14, 2011 8:07 am
OOOPS! MERON PA! Ang nag desisyon sa pagkakapambansang bayani ni Rizal ay hindi ang mga Pilipino. Ang mga Amerikano po FYI lang smile
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Posted: Wed Sep 14, 2011 8:09 am
S W ii T Sa akin si Jose Rizal... alam naman nating pare parehas silang bayani.. Kay Rizal nagumpisa ang lahat,,, ipinagpatuloy ni Andres Bonifacio ang sinimulan ni Jose Rizal... upang ipaglaban ang mga Pilipino sa mga Kastila.. Yeah.. parehas silang may magandang intensyon sa ating bansa,, ^^ Hindi po ipinagpatuloy ni Bonifacio ang mga gawain ni Rizal. Sa mga panahong iyon, walang koneksyon ang mga Ilustrado (Mayayaman tulad ni Rizal) sa mga anak-pawis tulad ni Bonifacio. Umalis si Rizal ng bansa nang siya ay nasa kanyang mga 20's at doon nagtago at nagsulat, napakalayo po ng Calamba Laguna sa lugar ni Bonifacio. smile
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
 |
|
|
|
|
|