Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Bluniform!


User Image

May 2 2013

Bluniform!

OMGee bilisan mo baka malate ka na sa game nina GM! O diba updated na ako sa schedule nila kasi alam ko na ang name ng team nila hahaa GO TEAM UK!!
Kaso bakit wala pa yata sila? Hala mga bulilit pa ang naglalaro! Ayun ung pamangkin nina Lamae hahaha! Very supportive naman ang parents nya oh at pati ang Pudra ni GM andun din! Pati ung brother nya na nakita namin knina sa SM haha! Aba panalo sila ah! Galing naman! Ngaun lang yata ako nakaabot sa kid's division ang saya pala! Haha eh teka asan na ba si GM?? Baka nagbibihis na un intay intay din! emotion_yatta

Dito ulit ako ppwesto sa siomai. Kaso pag dito hindi ko makikita ang team nina GM kasi niunahan sila sa bleachers! Naku sina Jonathan pala ang kalaban nila! Sila lang naman ung nakahabol pa kagabi sa laban! Kayang kaya yan nina GM kasi naka tsamba lang naman yata yung team nina Jonathan kagabi ehh hahaha!! ayan na syaaaaaa!!! Waw my uniform na!! Meron na akong favorite number! Number 8 ! haha un kasi number ng uniform nya eh! emotion_kirakira

Royal blue ang color ganda sa mata ahhh!! Bagay na bagay kay GM lalo sya pumuti ahihi!~ Ahaha pati si Kim meron din! Soo this is it na talaga! OMGEE ang iniiitttt! As in ngaun lang ako nakapunta dito ng super duper init kahit gabi na grabe! Ang layo naman nila huhu hindi ko makita masyado! Ay inaayos pa ang ilaw! Hahaha nagppractice muna sila mag shoot! O nakakashoot naman sya ! Grabe ang tagal mag start haa! Aba teka si pamangkin ko to ahh! Tiningan nya ung schedule nila tinanung ko nga din kung hanggang bukas na lang ba kasi wala ng kasunod na schedule waaa!! Sana hindi pa kasi pag wala na wala na din akong pupuntahan gabi gabi waaa!! Sabi nya hindi daw nya alam huhu. Sana talaga hindi pa last bukas !! emotion_0A0

Ayan na mag start naaa! Aba parang huling quarter agad ahh nagmamadali lang sila? Super blis yata nila makascore ngaun oh! Ibang iba sa laro nila nung tuesday! At pinasa ni Chinoy kay GM! Naku ishoot daw nya kaso parang nag aalangan sya kaya pinasa nya at nakuha tuloy ng kalaban patay tayo dyan! Ok lang yan kakastart pa lang naman eh! Hindi talaga sya makashoot pag hindi sa 3 points haha. At ayan nasa kanila na ulit ang bola attttt tinira ni GM !! SHOOT!!! 3 points!! Ahahaha! Grabe ang galing naman! first 3points nila oh wooot! Nagulat naman ako kasi pati ung mga babae sa tabi ay napa sigaw ng shoot! Siguro mga kilala nila eto at hindi na din ako magtataka kung madaming fans si GM haha! Sa kalaban na ang bola at isshoot nila kaso sablay! Wooo kena GM ulit! At pinasa ulit sa kanya para ishoot! 3 points nanaman!! Grabe ha!! Ayaw naman ni GM mag 3 points haha!!! Naks naman napatingin pa sa pwesto ko waaa KILIG NANAMAN!! Gusto ko isipin tuloy na sinabi nya sa akin na "o nakita mo un?" Oo na GM kitang kita ko ung 3 points mo ! Ako pa eh sau lang naman nakatitig tong mga mata ko eh haha! cat_4laugh

Substitution na pinalitan nila si GM pagod na yata eh! Grabe tambak na ang kabilang team! mukang nag practice ng mabuti ang team nina GM ah? gusto yata nila bumawi nung nakaraan kasi natalo sila. Or dahil my uniform na din sila kaya mas malakas na sila? Parang pinanuod lang namin kanina na si Iron Man hahaha!Aang dami nyang armor na iba ibang powers! At change court na kasi 3rd quarter na! O diba my natututunan naman ako kahit papaano sa basketball! kasi nanunuod ako nung Kuroko no Basket na anime about basketball din kaya un.. na aapply ko naman dito ahaha! Lipat ako sa kabila para kitang kita ko si GM woooo! cat_cool

Ayan sya na ulit ang player at si Mak!! Grabe mas malapit dito ang pwesto ko ahaha! Parang sina Chinoy, Manny at GM lang ang naglalaro ahh nagpapasahan lang sila kung sinu ang mag sshoot! Sina Chinoy at Manny ang taga takbo at pasa ng bola kay GM para i three points!! At naka 3 points nga!!! hahahaa grabe hindi ko na mabilang kung ilan ng beses sya naka shoot!! Pero hindi naman palagi nashoot at minsan may sablay din syempre! Mas madami nga lang ung na sshoot nya haha! Hala naka 3 points din ung kalaban! Grabe kitang kita ko ung paghinga nya dito oh pagoda na sya! Ahahaha ang cute! Ngumuso sya!! dun daw ipasa sa isang player!! Ah ahhhhh lahat na lang ng ginawa nya cute ay adik lang haha!! Hala ang dami rin palang fans dito oh sumisigaw! Naku ang dami ko namang kaagaw! cat_burning_eyes

Hala makahabol pa kaya ung kalaban? Wag na sana kasi parang mahigit 20 points na ang lamang ng team nina GM hahaha! Nyeee last na pala un?? At hindi na hinahabol ng kalaban 5 seconds na lang, binigay na ung huling bola ni Chinoy kay GM at shinoot! Kaso sablay hahaha! Ok lang panalong panalo sila !!! 32-57 ba ung score? hindi ko na pati nakita kasi binura agad kainis! Nakabawi sila ngaun ah! Tanda ko kasi nung tuesday kaya siguro sila natalo kasi.. palagi si Chinoy at Manny lang ang parang naglalaro, oo nga magaling sila pero hello meron pa silang ibang members. Andyan kaya si GM na magaling mag 3 points haha! Kinig na kinig ko ung boses nya "HEY HEY" na ipasa sa kanya pero hindi napasa tapos hindi naman nashoot nung isa kaya aun natalo sila. Pero ngaun nakabawi naman sila hahaha! Aba andun pala sina Tita Emma! Mga tindera yata nila etong nasa harap ko kaya pala kung makacheer ehh hahaha! emotion_dowant

OMGee wag sana bukas ang huling game! Syempre meron pang final game para kung sinu ung mga nanalo na team maglalaban laban! Diba my ganun pa naman un?? Baka hindi pa lang naayus ung schedule kaya wala pa pero pero pero sana talaga para gabi gabi ko pa din syang makita!

(P.S. Sya ung naka blue na uniform sa kanan waaaa!)

emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum