User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.



March 28 2014

Happy Happy Birthday!~


Yipeee it's my birthday na! I'm so tanda na talaga! At hindi ko pa din natutupad ang mga gusto kong marating sa aking buhay! At nagbirthday nanaman ako ngayon ng walang work huhu! Sana next year meron na! Walang plans today na gumala or something kasi wala naman me pera pero binilhan naman ako ni Kuya Carlo ng Jollibee! With sundae ice cream pa hahaha! Nainggit kasi me sa commercial ni Sarah G. na chickenjoy kaya yun na lang ang pinabili ko! And meron pa akong load na P100 dahil nilibre din ako ni Kuya Mark at pabirthday nya daw sa akin! Ang babait naman ng mga kuya ko hahaha sana lagi kong birthday! Nung gabi naman ay nakikain kami sa isang graduation party ng isa naming family friend at kinantahan pa ako ng happy birthday haha nakakahiya! Wala man lang gift dapat my kasamang gift yung pagkanta! Anyways bisita lang naman din ako dun hahaha~ Super busog naman ! At sinundo namin si Princess sa my terminal sa SM dahil uuwi na sya at bakasyon na din sya. My gift din sya sa akin na tshirt! Weee! At least merong something na nangyari sa araw ko! cat_4laugh

Gabi na at mga 12AM na at nakahiga na ako sa kama, matingnan nga kung online si GM. Naku on mobile daw pero hindi ko alam kung online ba or hindi, i-message ko nga.

ME: bakit ang cute moooo

ahahaa! Anu kaya iisipin nya pag nabasa nya to. Pero syempre gabi na no. Tulog na kaya sya? Baka hindi naman yun mag reply sa akin. Pero sana magreply para birthday gift na nya sa akin haaha. Matingan nga yung profile nya kung my bagong mga pictures. Wala naman yun pa din. I-like ko na lang yung mga pictures na hindi ko pa na-like. Ayan ok na. Ang dami pa pala ! Ok lang para at least hindi ako maubusan ng i-like sa kanyang fb para palagi nya ako makita sa notifications nya hahahaha. Maglalaro nga muna ako ng dragon nest. emotion_dealwithit

(after 4 hours)

Tutulog na ako! I'm so pagod na kakalaro. Masilip nga muna yung fb at baka nagreply na sya? Aba teka my message ako???

GM: Natural yan hahahaha

OMGee!!!! Nagreply pala sya!! Sayang naman ! Hindi ko agad nabasa! Hahahaha! Nakakatawa naman yung reply nya! Anung rreply ko?? Weh d nga? Naku ano ba. eto n lang:

ME: hahaha!! anu bang secret mo para magng cute din ako? Share mu naman

hahaha naku hindi na to magrreply! anung oras na pati madaling araw na!! Sayang hindi ko agad nabasa!! Weee nag reply sya!! Ang saya ng birthday ko ohh hahaha! Nag reply sya kahit hindi nya alam ng birthday ko ngayon! Baka naman alam nya?? OMGee!! Hahaha! Sana magreply na sya palagi pag i-mmessage ko sya ! Para maging close na kami weeeeeeeeee!! Ang saya naman ng birthday ko!! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S. kung nareplyan ko lang sya agad agad, mag rreply din kaya sya?? Sana hahaha! Adik ko kasi maglaro eh ayan tuloy hmp~)