Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Christmas Love!~



Christmas Love!~

December 24, 2013


it is so Christmas na talaga!~ But I can't really feel the Christmas this year because it is not that cold like last year! Blame it on the global warming!~ emotion_smilies/icon_donotwant.png

Perooooooooooooooo isa sa mga wish ko sa simbang gabi ay natupad na! agad agad hahaha! Eh kasi nakompleto ko naman eh! Kung ano un heto ang story! smilies/icon_4laugh.gif

Namimili ako ng gift para sa aking father brother gentleman! Ang naisip kong igift ay sleeper! Palagi kasi nawawala yung sleeper ko, kapag hindi si father ang gumamit at ang aking mga brothers! Hahaha kaya naman kay father ay sleeper na lang ang aking igift! Habang nasa department store ako ay tiningan ko na kung magkano yung price kasi doon sa labas sa Toby's ay nakita ko na yung price kanina pa pagkapasok ko ng SM. Edi ayun mas mahal pero merong 10% discount kaya ganun din pala ang presyo kaya nga lang masyadong mahaba yung pila sa cashier. Nalimutan ko kasi isabay na lang sana itong sleeper doon sa binili kong gift sa aking isang brother na pinila ko pa ng 15 minutes para lamang sa iisang piraso na key holder!! Kaya naman doon na lamang ako bibili sa Toby's para hindi ko na kelangan pumila ulit ng matagal. Habang nasa escalator ako ay nakatitig ako sa kaliwa ko at parang familiar yung ulo nung isang lalakeng naniningin ng belt pero hindi ko maisip kung sinu ito at habang pababa na ang escalator ay unti unti ko ng nasisinag ang kanyang mukha. emotion_smilies/icon_jawdrop.gif

Bigla syang lumingon sa amin na parang nakaramdam na may nakatingin sa kanya pero hindi sa akin nakatingin kundi sa likod ko at laking gulat ko na lamang na si GM pala yun!!! Biglang tingin ako sa harap ko at baka makita ako na nakatingin sa kanya at dali dali na akong bumaba ng escalator at naglakad papuntang Toby's!! WAAAAAAAAA!! SI GM!! Kung hindi lamang ako nagmamadali dahil 4:30 PM na yata yoon eh magbabalot pa ako ng gifts! Pagdating ko namang Toby's eh wala na palang size nung gusto kong color na tsinelas eh hindi ko naman natanung doon sa department store kung meron kaya bumalik nanaman akong department store. emotion_smilies/icon_donotwant.png

Baka nandun pa si GM at hindi nga ako nagkamali dahil andun pa din sya naniningin ng belt kasama yung kapatid nyang si JC!! Ang payat na ni JC grabe! Parang bumalik na ung payat nya nung una ko syang makita sa picture!Tinatanung yata ni GM kay JC kung anu mas maganda doon sa belt ehh malapit na ako doon sa 2nd floor kaya hindi ko na ulit sila nakita at pumunta na ako doon sa tsinelas at tinanung ko kung merong size. Habang kumukuha si kuya ng size ng tsinelas ay sumilip muna ako doon sa taas at tiningan ko kung andun pa sina GM at andun pa!! Hahaha pero umalis na din at magbabayad na yata sila. emotion_smilies/icon_awesomeface.gif

Maya maya ay dumating na yung tsinelas pero wala pa ding size nung white na gusto ko kaya yung isa na lang na parang three color na red green yellow ang kinuha ko! Kung sa baba ako magbayad baka mahaba yung pila at baka andun pa sina GM!! Sa taas ako nagbayad at napaswerte ako kasi may kakabukas lang na cashier kaya maunti pa yung pila! emotion_smilies/icon_dowant.png

Grabe nawala naman ako sa sarili ko nung makita ko si GM hahaha!! Bigla pang tumingin eh yanu yan! Nagmamadali pa naman ako lalo tuloy akong nataranta! Makikita ko kaya sya mamayang gabi sa simbahan? OMGEE!~ emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif

(P.S dun sa lower right ng picture naningin si GM tapos sa kanan naman nun yung escalator kung saan ako nakapwesto at bigla syang lumingon sa likod ko! Hahaha!!)




December 26 2013

So sad naman hindi ko nakita si GM nung pasko sa simbahan! Pero ok lang nakita ko naman sya sa SM nung 24 bago magpasko hahaha! emotion_smilies/icon_kirakira.gif

Pero kanina ng nakasakay na kami ng jeep pauwi galing sa SM kasama ang aking mga pinsan ay nung paliko na ang jeep doon sa may Young Learner's Home ay my familiar na naka motor na padaan at ng matapatan ng ilaw ay si GM ITO!!! Nakaangkas si JC sa likod nya!! Biglang tinawag ako ng pinsan ko at kung yung barkada ko daw yung kasakay namin sa jeep at si Madam Raquel pala yun! Kaya tinawag ko at sinabi ko nasa unahan namin si GM naka motor! Hindi naman yata nagets ni Madam hahaha! Sinisilip ko sina GM sa unahan namin pero pagkalampas doon sa humps sa guard house ay nauna na sila! Ang bagal kasi nung jeep namin huhu!! emotion_smilies/icon_0A0.png

Kelan ko kaya sya ulit makikita?? Waley na akong work kaya hindi na ako makakadaan doon sa shop nila sa bayan waaaa!! Pero ibig sabihin pede na ulit ako tumambay sa basketball court para makita sya ng mas matagal! Hahaha!~ emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get Items
Get Gaia Cash
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games