Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Malayo pa lang!~




September 10 2013

Malayo pa lang


What an ordinary day again sa office. Pafacebook facebook nanaman, candy crush, laro ng gaia. Hahahaa~ nakakaumay na din pag minsan! Pero ganun din naman gagawin ko sa bahay, pinagkaiba lang nasweldo at nasa office, aircon pa! O diba sosyal hahaha! Hayssss.. buti na lang uutusan ako ni Mam paayos ung kanyang Telpad kasi hindi na nagccharge! Eh panu naman kasi hindi masisira eh yung anak nya palagi ginagamit habang nagccharge kaya ayan tuloy nasira! Hindi na maopen tapos ayaw magcharge, hindi nataas yung bar. Dadalhin ko tuloy sa PLDT. Dalhin ko daw dun eh tumawag na ako para makita nila. Makadaan muna kena GM hahaha!!~ smilies/icon_biggrin.gif

Yehey buti na lang talaga inutusan ako. Makakalanghap ng usok ng sasakyan, este sariwang hangin! Ok lang kahit mga 3 kanto pa bago makarating kena GM hahaha. Sasakay rin naman ako ng jeep kaya ok lang din kung dadaan ako, Asialink pala yung bangko na binabaan ko dati nung naiwan ako mag-isa sa jeep hindi ko alam kung saang kanto yung kena GM hahaha. Kaya palatandaan ko na yun pag pupunta ako kena GM. Kaya heto na ako malapit na ako. Sana andyan sya !! smilies/icon_4laugh.gif

OMGee!!! Malayo pa lang sya un!! Nakatayo dun sa may labas ng tindahan nila! Naka sando na white at naka cap at naka shorts! WAAAAA! Sure na sure na sya yun! Nakita nya kaya ako?? Hindi naman siguro malayo pa eh! Pero sya talaga yun! Tago muna ako dito sa tabi! Naku anu ba yan so unexpected naman nasa labas sya! Anu gagawin ko?? Dadaan pa ba ako? Kaso makikita nya ako naglalakad papunta sa kanila!! OMGEE!!! Kunwari na lang nagtetext ako, pero naghahanap ako ng magandang kanta sa cellphone para pag naglalakad ako eh feel na feel ko ang music hahaha! Naku anu ba yan nakakahiya! Baka naman sabihin nya dinadaan ko sya dun omgee! Eh totoo naman hahaha! Waaaa!! Eto na lang~ emotion_smilies/icon_dowant.png

Now playing: bata by Sarah Geronimo feat Kean Cipriano

Eto naaaa! Lakad lakad~ isang kanto na lang andun na ako sa kanila. Kunwari hindi ko alam na nandun sya, tingin tingin sa mga sasakyan at baka mabangga pa nakakahiya!! Omgee ayan nasa kanto na nila akoooo~
tingin tingin sa celphone,
tingin tingin sa mga paninda sa kaliwa,
tingin tingin sa scooter nyang black, omgee bakit dalawa ung scooter? At nakaharap sa akin hindi ko tuloy makikita yung plate number!
kunwari my hinahanap akoooooooooo,
ayan na syaaaaa Omgee! Nakatayo sya at nasa kanan koooo~ Hindi sya nakatingin, malapit na ako sa kanyaaaaaaa
WAAAAAAAA!! Tumingin na sya sakin!!!!! OMGEE!! That look ughh!! So sexyyyyy!! NAKAKAKILIGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!
HAHAHAHA!!! emotion_smilies/icon_kirakira.gif

At naglakad na ako ng kaunti at nag-abang ng jeep pasakay ng Gulang-Gulang! Gusto ko lumingon sa likod at baka nakatingin syaaa kaso nakakahiyaaaaaa hahaha! At nakasakay na ako!! Kakaunti lang ang mga pasahero kaya pedeng pede akong kiligin mag-isa!! Pilit na inaalala ang nangyari. Nung tumingin sya kanina, ang itsura nya parang sexy look na parang alam nya na dadaan ako kasi sakto talaga na malapit na ako eh bigla sya lumingon sakin! Siguro nakita nya na ako nung naglalakad pa lang ako! Yieeeee!! Gwapo talaga nya!! cat_smilies/icon_4laugh.gif

Nakarating na ako ng PLDT at dinala ko na sa loob ng marketing. Kaso dinala naman ako sa labas sa may bayaran ng mga bill at inasist naman ako ni OJT. Sya din yung nagpunta sa office dati na tinatanung si Mam dun sa telpad at sakin nga pinakuha! Cutey naman ito pero mas cute pa din si GM! cat_smilies/icon_blaugh.gif

Ayun dadalhin ko sa SM sa City Light at dun ipapaayos! Yehey hindi muna ako babalik ng office mamaya na lang after lunch kasi 11am na din eh haha! habang naglalakad ako sa may 7-11 papuntang sakayan ng site may lalaki na cute pero biglang dumura at parang my naramdaman akong pumatak sa pisngi ko! Ewwwwww! Sana hindi un ung laway nya at galing sa aircon! Ang gagawin ko sa SM ay maniningin muna ako ng sapatos para my pang alternate naman ako sa suot ko at baka masira agad yung gamit kong sapatos! Ang dami ko nakita na magaganda kaso ang mamahal naman! Walang budget! Sa pasko na lang yung mamahalin haha! Pero my nakita naman ako na sale at meron pa daw 10% kung may SM Advantage card at anoter 10% off kapag sa friday ng umaga 10am - 12pm lang dahil start na ng 3day sale kaya dapat makabalik ako dito!! Pero panu un nasa office ako?? cat_smilies/icon_surprised.gif

Pauwi na ako at nakita ko pa yung isang player ng basketball sa kabilang team na kalaban nina GM noong summer doon sa may upuan sa hbc! Hays nakakamiss tuloy manuod ng basketball at makita si GM! Hahaha! Nung nakasakay naman na ako sa jeep nakita ko si Mrs. Siomai at naka scooter na din sya kaangkas yung dalawa nyang girl na anak! At napatingin sa jeep na sinasakyan ko at nakita ako! Ngumiti naman! Siguro naalala nya na ako yung palaging mag-isa sa court at hindi naman nanunuod ng basketball at nakatingin lang kay GM! Hahaha! cat_smilies/icon_xd.gif

Anung meron ngayun at nagpaparamdam ang mga tao nung summer?~ nakaka miss naman sila lalo na si GM na kakakita ko lang kanina eh miss ko na agad hahaha! emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif

(P.S. Yung picture yung warranty card ng telpad ni Mam hahaha! Sana masira ulit para pupunta ulit akong PLDT at dadaan ulit ako kena GM at makita ko ulit sya wooo!)






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get Items
Get Gaia Cash
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games