Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Rain Rain Go Away!~

September 8 2013
Rain rain go away

User Image


Waw! Ang daming stars! Shooting stars! Omgee!! Hala kinagat si Andi ng mga ahas nyaaaa!! Si GM un ahhh!! 6:30 na gising na! emotion_awesome

At ginigising na pala ako ni Princess! Panaganip lang pala lahat un! Sisimba pala kami ngayon ng 8 am! OMGee sana nandun si GM! At usual ako nanaman ang pinaka huli nakaligo at naka bihis at inabot pa tuloy kami ng malakas na ulan! I don't like rain talaga! Kapag umuulan, hindi ka makakalabas, sa loob ka lang. Kaya kapag hapon na at umuulan ibig sabihin hindi ako makakatambay sa basketball court at wala din dun sina GM kasi wala naman maglalaro ng naulan! Tapos ang boring pa, nakakaantok, nakakatamad gumalaw! Kaya I don't like rain talaga! Mababasa pa ang sapatos ko kapag malakas ang ulan edi mababasa din ung paa ko! Pangit kaya ng feeling ng ganun davaaa?? emotion_0A0

Ayun pagdating namin sa simbahan ay doon kami napapwesto sa loob kasi nagsipasukan na yung iba at wala na kami mahilang bangko palabas. Hinanap ko agad talaga ang family ni GM kung sumimba pero ang nakita ko naman ay yung Tita nya! Parang hindi yata sila sumimba ngayun? Huhu malas ko naman ohhhh~ Magmimisa na si father, naku wala na yata talaga sila at hindi na darating.. OMGee!! Ayun ung Mommy nya at ung sis nyang si Charmaine! Yehey!! Ay sila lang dalawa?? Naku sila lang yata talaga? Pwede na din hahaha, pero baka naman my susunod pa? Kaso saan naman sila uupo eh yung naupuan nila sakto lang pang dalawang tao lang. Hayssss.. emotion_donotwant

after 5 min..

Hala bakit tumayo ung si Charmaine?? Pa saan sya? Hala lumabas!
OMGEE!!! Si GM!!!!!!!!!! SI GM nanduuuuuuuuuuun! WAAAAAAA! Yeheyyyyyy!! Hahahaha! Akala ko talaga wala si GM at hindi ko makikita! Para saan kaya yung inabot ni Charmaine na pera? Baka pambayad ng kung ano ? Pasaan si GM?? Baka magbabayad ng tricycle na sinakyan nila? Si Carl din pala kasama nila~ OMGee saan sila uupo wala ng upuan?? Naku panu yan dun nakapwesto si Carl sa may harang! Yanu naman ay hindi ko makikita si GM dyan!! Naku dun na din pumwesto si GM!! Waaaa! My nakaharang na wall ! Huhu anu ba yan ke malas ko naman!! Dapat dun na lang kasi kami nagpwesto sa labas ohhh para kitang kita ko si GM! Waaaaaaaaaaa~ Gusto ko wasakin ung wall!! Sana merong salamin na natagos ung nakikita para makita ko si GM! Hahaha kung ano ano na naiisip ko~ tsk paanu na yan ?? Naku hindi ko na pati naintindihan yung sermon ni Father! Sorry Bro! Makinig na lang daw kasi ako ng misa ayan tuloy~ emotion_dowant

after 30 min..

Mag peace be with you na, nag ppeace be with you ba sina GM sa Mommy nila? Kung ganun lalapit sya sa Mommy nya ! Yehey makikita ko sya hahaha! Ay yung mga pamangkin ko nag peace be with you sa amin, naku si GM palabas na! Nag peace be with u siguro sya sa Mommy nya! hindi ko nakita! Yanu naman yan ohhhhh~ Pipila na sa ostya, ayan baka pipila si GM?? Ay lahat ng pamilya nya nag ostya, sya lang ang hindi! Anu ba yan~ emotion_drool

Hays tapos na ang Misa! Uwian na waaaaa! Yung payong pala namin~ baka natuyo na kaya kuhain ko na. OMGee ayan na sila paalis na din, waaaaaa magkalapit na ang pamilya nila at pamilya namin!! OMGee nakita nya na akoooooo!!!! Waaaaaaaaa~ Eh bakit papasok pa simbahan yung mommya at si Charmaine? OMGee dadaan sila sa tabi ko! Nakatingin pa naman ako sa kanya at palapit na ng palapit sila! Sabi nya kay Carl "Saan tayo pupunta?" OMGee super lapit ko sa kanila at nakinig ko ulit ung boses nyaaaa!! Ang gwapo talaga hahaha! Napatingin tuloy ako sa kanan ko kasi super duper nahihiya ako at nakaka conscious naman! Tapos yung muka ko ay kinikilig hahaha! Kaya pala sila pumasok ulit kasi kumuha sila nung dyaryo. At ayun lumampas na sila at kami naman ay pauwi na kahit naulan pa din! OMGee!!! emotion_kirakira

Ang saya lang!! Kahit nakaharang yung wall at hindi ko sya masyado natitigan, sulit naman yung pauwi na kami! Grabe na tooooooo hahaha! Natupad ulit yung panaginip ko kanina kaso hindi ko matandaan kung anung meron basta nakita ko raw si GM at nakita ko nga sya!~ emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S iniwan ko yung cellphone ko kasi lobat na kaya chinarge ko muna kaya hiniram ko mung ung cp ni Princess at pinicturan ko yung dingding na nakaharang hahaha!)







 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum