Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Assertive or Passive?
July 25 2013

OMGEE!! This is so shocking~ smilies/burning_eyes.gif
Nag halfday kasi ang aking kasama sa work ngayon, eh naiwan ako mag-isa kasama si Mam ko! Jusme! Kinausap ako ng bongga! She told me na nasusura na sya sa palagiang absent ng kasama ko! Kasi daw every week daw eh palaging nag aabsent si ate. Eh ako naman hindi ko alam yun kaya wala ako reaction sa kanya. Tapos sabi ng Mam ko eh she's planning to expand her business with her friend. Eh paano nga daw na makikitang maganda ang business kung palaging absent ang mga staff nya. EH kasi naman nung last week, ang pumasok lang dito na staff eh yung classmate ko na bago pa lang at walang susi. Hindi nya tuloy nabuksan ang shop at wala nga syang susi kaya pumunta pa sya sa bahay ni ate na almost 30min. din ang biyahe. Kaya 1pm na sya nakapag bukas eh nung umaga pala meron sanang magbabayad dito eh ayun nagulat nga kasi sarado.

So ayun nga ang nirereklamo ng Mam namin. Tapos bigla ako tinanung kung ako daw ay assertive or passive. Sabi ko naman ay Mam "hindi ko po alam kasi first job ko po ito hindi ko pa po naaanalyze yan" tapos sabi ni Mam in my own opinion daw. Sa isip ko naman anu ba pinagsasabi ni Mam hindi ko nga alam ibig sabihin ng assertive at passive! hahaha nalerki talaga ako sa kanya kaya sabi ko na lang ay "ummm, passive po yata?" tapos sabi ni Mam "so ok lang sayo na dumaan ang araw na walang na accomplish?" tapos bawi ko "ay hindi naman po syempre mas gusto ko kung may magagawa ako" tapos sabi nya "kaya nga so kung ganun, pede ko ba kayo pagkatiwalaan na if ever kung malayo ako ay kayo muna ang magiging assistant manager?" tapos napaimik na lang ako ng oh my gosh! emotion_smilies/icon_jawdrop.gif

EH kasi naman ganun ganun agad?? Eh wala pa nga ako experience dito bago pa lang ako eh kaya naman so shock talaga ako hahaha!! Tapos ayun naghahanap pa si Mam ng isa pang staff para naman sa local travels, ehh ang hirap din naman mag recommend ng kakilala ko kasi mataas ang expectation pag ganun tapos hindi naman ganun kalakihan ang sweldo. Kaya ayun sabi ni Mam anyways kung may darating my darating. At doon na natapos ang aming usapan! emotion_smilies/icon_donotwant.png

Nagets ko naman din si Mam, sinu ba naman ang gustong ang business nya ay hindi kumita diba?? Lahat naman yata ng businessman ay alam na ganun, lalo na sa amin na ang kelangan talaga ay service. Kaya malaking goodluck naman sa amin dito! Pag nakabili na ako ng laptop ko at bagong cellphone mag rresign na ako! Kaya lang kelan pa kaya yun? Hohohoho!~ emotion_smilies/icon_kirakira.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_kirakira.gif





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games