Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Turnover




July 12 2013

Turnover!


Pauwi na ako sa aming bahay ng aking marinig ang ingay sa daan na wari'y may party kung saan man. At ng aking silipin sa court ay animo'y ang daming nanunuod pero hindi muna ako pumunta dahil ako'y umuwi muna para mag meryenda. At makalipas ang ilang minuto ay sinubukan ko ng pumunta sa court at habang ako'y naglalakad..

"OMGee!!! Bakit ang unti na ng tao? Kala ko pa naman meron ng party or awarding para sa nanalo sa basketball nung fiesta? Pupunta pa ba ako? Puro boys naman ang nandun nakakahiya! Silipin ko lang si GM tapos uwi na agad ako. Pero teka parang motor ni GM yung naka park ahh?? OMGee!! Si GM nga!! Hala pasaan sya?? Bakit sumakay na sya sa motor nya! OMGee!! Paalis na sya at dito sya dadaan?! WAAAA!! Anu gagawin ko makakasalubong nya akoooo!! Ay !! Bakit umikot pa sya sa kabila? Lilipat lang sya ng pwesto? Hala hindi naman dumeretso pa rin naman sya pasaan kaya sya? Baka pupunta kena Mak at dun na lang sya dumaan para mas malapit?? Dali takbo at sisilipin ko sya dun sa kalsada at baka dun sya dumaan sa may amin! Ay bakit ganun wala naman sya? Hala dun sya sa kabila dumaan eh malubak dun ahh?? HALA! Baka nakita nya ako kanina tapos ayaw nya akong makasalubong?! OH NOO!!! Huhuhu !! Wag naman sana! Pero swerte pa din ako kasi naabutan at nakita ko pa sya bago umalis! Syempre uuwi na ako wala naman na si GM hahaha~ ♥ ♥ ♥"






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get Items
Get Gaia Cash
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games