Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Last Minute!


July 8 2013


Last Minute!!



hmmmm meron pa kayang laro ngayon?? Tuloy pa kaya yung pa basketball dito kasi happy fiesta sa aming village?? Nung sabado kasi wala naman laro ehh, tapos kahapon hindi ko naman nakita! At wala pa si GM hindi sumimba, ung Mommy nya at sister nya lang ang nandun! Para malaman ko kung meron o wala, silipin ko na lamang!!! smilies/icon_rofl.gif

Hala! Parang kakatapos lang ata oh kasi pauwi na itong mga bagets mga player yata ng basketball at isa sa kanila ay si boyfriend#1 ni GM!! Panu na yan wala na bang kasunod?? Hayss nakakahiya naman pumunta dun puro boys.. at wala pang mga nanunuod masyado. Mamaya na lang kaya balik na lang ako??? Makauwi na nga!! smilies/icon_crying.gif

after an hour~

Hays silipin ko kaya kung may ilaw. Pag meron ibig sabihin merong game!! At manunuod ako wahahaha!!! HALA!! May ilaw sa court !!! WAAAA! Punta na dali!! Hala parang wala naman si GM hindi ko masilip dito sa tabi, nakakahiya kasi tumambay sa tinatambayan ko kasi ako lang ang magiging tao! Aba si Carl yun ah nakikishoot! Ibig sabihin nandito si GM waaaa!! Ay anu ba tong jeep mababangga pa ako! Umuurong pala, napunta tuloy ako dito sa tabi, lakas pa ng ilaw.. OMGee!! SI GM!! WAAAAA NAPATINGIN DITO GAWA NUNG JEEP TAPOS NAKANGITI PA HABANG HAWAK ANG BOLA!! Parang na spotlight tuloy sya hahaha! Tapos nagbibiro pa yung driver ng jeep babanggain daw nya ung mga motor tapos yung itsura ni GM parang nangaasar na ngiti! Naku makapunta na nga lang dun sa may tindahan! Sasabay ako dito kay Mrs. Siomai at mukang papunta din sya dun para may kasabay ako wahaha!! smilies/icon_pirate.gif


Makikitsismis muna ako sa likod ko at nag ttsismisan si Mrs Siomai at si Tindera tungkol sa basketball! Wala man lang daw pa sound system hahaha! Anu ba yan kalerki parang basketball basketballan lang daw ba yan o totoo? Nakikishoot kasi sina GM ! Hala bakit tumigil na sila! WAAAA?? Papunta yata sina GM dito? Bibili yata?! Ay bakit lumampas sa akin! WAAAA ! Sumakay na sa motor nya kasama si Carl?? Pauwi na sila agad?? Hala kakarating ko lang ah! HUhu ke malas ko naman talaga ohh.. babalik pa kaya sila?? Uwi muna din kaya ako kasi hindi pa ako kumakain ng dinner! Pero baka bumalik na sina GM?? Baka kakain lang din sila? Hala may papanuorin pa naman ako ng 9:15pm anung oras pa lang naman 7:30 pa lang naman. Nakakatamad naman panuorin tong game ohh, panu naman kasi ang tatangkad ng kalaban nitong team bulilits! Panu sila mananalo nyan parang mga Junior na ang kalaban nila eh! Pero hindi pa naman sumusuko ang mga bulilits!! Tinatamad na tuloy ako manuod wala naman si GM hayss.. ilang tao na din ang dumaan dun sa dinadaan nya pero wala pa din waaaa! cat_smilies/icon_cry.gif


Ang chaka naman kasi bakit pang kids lang ang pwede? Kung meron din sanang mga junior oh edi ang daming kasali at tao siguro ngayon! Baka walang budget? Eh diba humihingi naman sila ng entrance fee sa mga players edi mas madaming budget pag ganun? Ay ewan ba. OMGee!! Ayan na si GM yeheyyyyyyyyyy! After 1 hour ha! Aba naka scooter pa din? Nagbihis pa sya ah ayaw nya siguro maamoy ko syang amoy pawis hahaha!! Feeler ko talaga! Anyways natapos din ang game ng mga bulilit at hindi nakapagtatakang matalo sila. Kasali pa naman ang anak ni Mrs Siomai na si Xander. cat_smilies/icon_nodding.gif


Ang cute talaga nitong batang malikot na si Miko, siguro mga 2 or 3 yrs old lang sya at parang kilala lahat sya ng mga tao dito kasi nga ang cute nya haha! Hala dito pa sila naglalaro sa harap ko! Ahhhhhh Mak pala ang name nitong si boyfriend#1 ni GM, kasi tinuturuan nya si Miko ng pangalan nya habang nagpapasahan sila ng bola. Chismoso ko hahaha eh panu naman kasi nasa harap ko sila kaya rinig na rinig ko ang kanilang kulitan! cat_smilies/icon_blaugh.gif


Etong susunod na game siguro mas masaya kasi magkakasing height lang sila! At pang 3 game na pala ngayun kasi kanina ay nagkaroon na ng fast game yata? Ang tatangkad grabe mas matangkad pa yata sa akin yung iba !! Huhu nakakainggit tuloy ang height nila! Hala! Wala man lang announcer at scorer! At mga player lang ng junior division ang mga referee! Kalerki lamang! Pero first time yata dito sa amin na fiesta na merong event! Kasi pag fiesta dito parang wala lang hindi ko nga man lang naffeel eh! Kasi wala din naman masyadong naghahanda haha! At parang meron pa yatang volleyball pagkatapos nito. Paalis nanaman si GM?? Yanu inakit pa ni boyfriend#2 nya! Pasaan kaya sila?? Sana bumalik pa sila huhu! emotion_smilies/icon_donotwant.png


Hala may nagpaparinigan pa! Yung kapatid#1 ni Kenneth Alcaraz at isang audience! Hala magaaway pa yata?! OMGee!! Mayabang daw kasi itong si kapatid#1 kanina nung nag rreferee kaya mag 1 on 1 na daw sila?? Mag rubber shoes daw kasi?? Anu hindi ko get ang kanilang pagaaway?! Pero dahil sa tense na ito napahinto ang game! Pinipigilan sya ni isa pang kapatid#2 ni Kenneth na player pa naman! HALA HALA MAGSUSUNTUKAN NA YATA?! OMGEE!! Ayun buti inawat ng mga oldies. Umalis na si kapatid#1 at ung mga audience na nanggulo. Kala ko magkakarambolan na eh sayang haha!! Ok back to the game na! Bakit wala pa si GM grabe naman! Saan kaya sila pumunta ni boyfriend#2 hmp!! emotion_smilies/icon_drool.png


Hay sa wakas dumating na din! Hindi nila nasaksihan ang naudlot na kaguluhan sana hahaha!! Naku paalis nanaman sya?? Bakit uuwi na ba ang pinsan nyang player ? Hindi pa tapos ang game ahh!! Anu ba yan!! Hindi na makanuod ng maayos si GM ! Wag nyu kasi akitin ng akitin huhu!! Baka uuwi na sila kasi natakot si pinsan ?? Hindi naman siguro ! Player pa naman sya sa ongoing game! Kay ninong team nga ba yun?? Aba mukang matatalo etong team boyfriend ni GM! Kasi mas madaming matangkad sa kalaban nila! Sinu kaya ang magwawagi?! Ay ayan na ulit sina GM yehey! Kumuha lang pala ng Jersey si pinsan kasi magkakatulad yata ng number! Ay suot nya Jersey ni GM!! Number 8 kasi hahaha at saka ung apilyido ni GM un!! Wooo sana manalo kayo! emotion_smilies/icon_kirakira.gif


Putek daming lamok dito pinapapak na ako arghh! Hala nakakatawa naman tong babae na lumapit dito kasi andito ang mga volleyball girlfriends nya. Sabi ay may nakita daw syang shooting star kanina at kulay green daw at kilig na kilig sya sa pag kwento !! Parang ako lang dati ah haha!! Lahat naman yata ganun ang feeling pag nakakakita ng shooting star!~ Hala sigi magsi alisan kayo dito sa tabi ko at kaiingay nyo haha! OMGee!! Walang tao dito sa side ko at sa side ni GM! Kami lang dalawa!!! Kung magkalapit kami ni GM parang kami lang ang tao waaaaaaaaa!!! Nakakakilig naman! Eto na ang pagkakataon kong masolo si GM!! Sobrang rare tong view na to kasi walang mga nakaharang at kitang kita ko si GM! At busy sila manuod sa game haha! Naku naman panira etong si Xander dumating pa!! Naku meron pang isang dumating at kakilala yata ni GM kasi kinuhit sya! emotion_smilies/icon_dowant.png


Aba!! Nakakahabol ang team nina Mak at kapatid#2! Waw ha akala ko matatalo sila ehh! Hindi ko din alam ang score kasi nga wala naman scoran pero parang nakakahabol sila ! Palaging gumugulong sa sahig etong si Mak! Kung hindi gugulong madudulas ! Napapa "AY" tuloy ako dito mag-isa! Waw naka shoot nanaman sila! Hala si Kenneth tong bagong dating ah! Nakita pa ako at ngumiti naman. Naku baka pumunta dito para resbakan yung mga nangaway sa kapatid nya! Pero hindi naman siguro haha! Naku medyo nakaharang si Kenneth sa view ko kay GM!! Waw naka 3points si kapatid#2! Napangiti tuloy ako kasi nakakahabol sila! Tapos napatingin ako kay GM at nakangiti din sya at napatingin din sya dito WAAAAAAAAA!!! emotion_smilies/icon_heart.gif


Hay GM.. wala na yatang game ang volleyball kasi narinig ko sa mga volleyball girls kanina na wala silang makakalaban kaya walang game ng volleyball! Ibig sabihin last na etong basketball for today! Pero meron pa kaya bukas?? Naku sana lang meron ha! Aba anu kaya pinaguusapan nina GM dun at pinapalapit nya yung mga bata . Kung sinu daw ang lalapit sa kanya ay bibigyan nya. Ng ano?? Walang gustong lumapit haha, ay ayan lumapit si Xander.. hala tinawanan lang ni GM at yung kasama nya?? Hala alam na daw ni Xander kung anu un.. OMGEE!!! TINURO AKO!!!!! OMGEE KA XANDER ANG INGAY MO!! SINABI BA NAMAN NA NAKATINGIN DAW AKO SA KANILA!!!!! HALAAAAAAAAA NAKAKAHIYAA!!!! KUNG PEDE DAW MAKUHA ANG NUMBER KO SABI NUNG JUNJUN?! YUNG KANINANG KUMUHIT KAY GM?! Pero alam ko naman na hindi talaga yun ang pinaguusapan nina GM ehhh hula lang yun ni Xander na maingay!! Katukayo pa naman kita bakit mo ako nilalaglag ng ganyan!! Pinagpawisan ako dun ng malamig ah grabe ang kaba ko!! Walandyo tapos na pala etong game last minute na!! emotion_smilies/icon_jawdrop.gif


Hala ayan nanalo pa nga sina Mak!!! Hahaha anu ba yan uwian na pala! Ay uuwi na si GM, siguro wala ng volleyball! Makauwi na nga din!! Grabe hindi pa din ako maka move on dun sa kaninang last minute!! Grabe paulit ulit pa sinisigaw ni Xander kanina na "ATE KUNG PEDE DAW MAKUHA NUMBER MO"!! EH ako lang naman ang tao sa pwesto na yunnnnnnnnn!! Nakakahiya talaga hahaha!! Anu ba yan nakakalerki! Anu kaya reaction ni GM nung biglang sumigaw si Xander kanina haha pinipigilan nya siguro! Hindi na nga ako nakatingin sa kanya ehhh!! Kunwari hindi ko naririnig si Xander! Kalerki ka Xander!! Tapos etong bagong koreanovela sa abs cbn Xander din ang name nung bidang lalaki! At magkapangalan pa sila ng bestfriend nya! Anu bang meron sa mga Xander na kayo hahaha!!! emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif


(P.S. Etong picture yung unang game na matatangkad vs maliliit! Kita nyu naman ang height difference nila diba kaya talong talong ang mga bulilits!! Nakakatawa at yung batang may hawak ng bola sa kanan ay si Xander pala! Akalain mo yun sya pa nakuhaan ko haha! )






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get Items
Get Gaia Cash
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games