Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Not once but twice!




July 6 2013


Not Once But Twice!


Ever since I've heard and seen GM riding his bagong bagong motor, sa tuwing lumalabas na yata ako ng bahay ay sa tuwing my dumadaan or makikinig ako ng tunog motor ay napapalingon talaga ako at pag nakita ko na kulay black at For Registration ang plate number ay palaging si GM ang gusto kong makita! Hahaha kaadikan lamang! At speaking of motor, kanina habang ako'y naglalakad papunta sa sakayan ng jeep pauwi sa amin ay merong black na motor na for registration ang plate number! Pero syempre alam ko na hindi agad si GM yoon dahil likod pa lang nya at buhok pa lang ay malayong malayo hahaha! At nung nakasakay na ako sa jeep at pagkatapos kong magbayad ay saktong sakto sa paglingon ko sa kaliwa ay may dumaang naka helmet na black na motor!! Sinung mag aakala na biglang dadaan si GM!!! For Registration din ang plate number at kita ko yung bibig nya kasi yung helmet nya ay sa ulo nya lang ang my takip tapos bukas yung sa bibig!! Grabe lang ha! Naka black shirt sya!! Napatawa tuloy ako sa jeep! Nakakahiya tuloy baka isipin nung mga kasakay ko ay baliw na ako hahaha! At mamaya na ang game sa court kaya excited na din akong makauwi!! emotion_smilies/icon_kirakira.gif

pagkalipas ng ilang oras~

5:45 na pala!! Naku hindi ko alam kung anung oras ang game sa basketball court! Pero kung merong game ngaun eh meron din mass ng 6:00pm so siguro wala pang game ngaun?? Masilip nga muna!! Oh my naglalaro naman pala!
Kaso mga tambay lang ehh?? Bakit ganun sarado pati ang simbahan! Ibig sabihin merong laro talaga ngaun?? OMGee I'm so excited na!! Baka andito si GM hahaha! Silipin ko lang ng very light!~ Ay wala naman sya hmp!! Makauwi na nga at baka maya maya pa ang start ng game?? Wala kasi nakalagay kung anung oras or saan ang laro! Kaya pala merong game ay fiesta dito sa amin! Parang kahapon lang nag kkwentuhan ang tindera ng siomai at yung isang Ale na sana ay magpabasketball sila sa fiesta! AKalakin mo yun meron nga ngaun! Waaaa sana meron talaga para tatambay ulit ako dito at masusulyapan ko ulit si GM ng napakatagal hahahaha!! Speaking of GM!! emotion_smilies/icon_jawdrop.gif


Parang motor nya yung makakasalubong ko aH?! Pero bakit iba ang driver?? Hala merong nakaangkas na naka black shirt !! OMGEE!!! SI GM!!! Shocks naku kelangan ko tumigil kasi wala akong madadaanan!! Antayin ko muna sila makalampas! WAAAAAAAAAAAA!!!! Tumingin si GM sa akin ng very light!!! Napasulyap lang sya!! Namukaan nya kaya ako?! Grabe lang haaaaaa!! Makakasalubong ko pa sya ngayun haahaha!! Sabi na ehhh sya yung kanina nakita ko sa jeep !! WAAAAA!!! Sobrang saya naman!! Ngumingiti nanaman ako magisa habang naglalakad pauwi hahaha! emotion_smilies/icon_dowant.png

after 30 min.

Naku makabalik na nga sa court at baka nag sstart na?? Hala si Madam!! Hoy Madam! (kwentuhan mode to the max kami ni Madam)
Hay naku mukang wala namang laro kasi ang dilim dilim na wala pa ding ilaw ang court!! Huhuhu pero OK lang kasi nakita ko si GM ngaun!! Not once, but twice pa!! Sulit na sulit na yun hahahaha!!! emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif







 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get Items
Get Gaia Cash
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games