Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Worth the Wait






May 13-14 2013

Worth The Wait



OMGee botohan na ngayon!! Sheezz sana makita ko sya hahaha! Pero malabo yata ang daming tao dun ehh!! Pero malay mo din hahahaa!! Oh ayan na nga ang dami bumoboto ohhhh! Saang presinto kaya kami ?? Bahala na ang mga kuya ko maghanap ahhaha dito na lang ako at magmuni muni at baka makita ko si GM!! smilies/icon_whee.gif


Ang ganda naman ng gising ko hahaha! Napanaginipan ko lang naman sya ng bonggang bongga!! Nandun daw ako sa court at sya! Tapos meron ding panaginip na parang nasa school kami tapos my presentation tapos sya ay nagsasayaw ng hiphop at ang galing galing daw nya!! Kaya pagkagising ko tiningan ko agad yung video nya sa youtube noong Ginoong Marino hahaha ! Kaso hindi masyado sya nakuhaan nung nagsasayaw sila sayang!! Pero kita ko naman marunong namans sya gumiling hahaha!! cat_smilies/icon_4laugh.gif


WAAAAAA!! Yung yung yung yung parents nya un ahh!! Nasa pila din namin OMGee!!! Pati yung parents ni Madam andito din hahaha!! HALA!! Baka andito din si GM WAAAAAAA!!! Sinasabi ko na nga ba ehhh!!! OMGee !!! Sana talaga andito hahaa! Matext nga si Lamae!! HALAA andito nga daw !! WAAAAA!!! Hahaha magkikita nanaman ang family namin at family nya weee!! Hala si Pudra na ni GM nagayus ng pila oh kagulo kasi hindi alam kung saan ba talaga ang hanay! Hahaha!! Hala naguusap ang Pudra ni GM at Pudra ni Madam OMGee magkilala pala sila!! Pero bakit wala pa din si GM?? Baka hindi pa sya registered as a voter? smilies/icon_surprised.gif


after 5 hours...


Ughhhhh... So tagal na naming nakapila dito grabe!! Yung mga kakilala naming kakarating lang kanina eh tapos na agad bumoto kami hindi pa!! Grabe ha ang sisipag naman kasi ng mga naka presinto namin ayan tuloy ang tagal tagal!! Lahat na yata ng dumating na nakasando, naka cap, naka shorts akala ko si GM! Natapos na din yung parents nya bumoto ehh hindi ko pa rin sya nakita huhuhu!! Wala pang laro mamayang gabi WAAAA hindi ko sya makikita ngaun!! </3 emotion_smilies/icon_0A0.png


Kinabukasan


Sabi nung linggo ehh merong laro ngaun! yehey!! Sure na wala kagabi kasi umulan eh hahaha! Agapan ko talaga ngayun at baka final game na!! Oh hala wala pa naman masyadong tao at saka wala pang nanunuod! Panu kasi I'm so excited na 5:30 pm pa lang hahaha! Uwi muna ako !! emotion_smilies/icon_C8.png


HALA!!! 6:15 pm na pala!! Nakatulog ako waaaaa!! Makapunta na nga sa court at baka nag start na !! Hay buti naman at hindi pa yata?? OMGEE si GM ba yun?? Naku sya nga kasi my suot na baller na white!! Ahihi umiinom ng palamig! Naku san ako ppwesto! Malapit lang sya dito sa may siomai yanu!! Hala bakit lumalapit sya dito?? Ay magtatapon pala ng basura hahaha! Bakit hindi sya dun pumunta sa pwesto nya waaaaa!! Tumingin dito OMGee !! Ngaun lang yata kami nagkita ng meron pang araw haha kasi pag tuwing madilim na ako nakakapunta dito sa court! Kitang kita nya tuloy ako nakuuuuuuuuu! emotion_smilies/icon_facepalm.gif


And we're so close to each other OMGee!! Gusto ko syang kausapin! Kahit mag Hi lang sana ! Naaimagine ko nga ehhh! Panu kung kilala nya na ako tapos friends na kami OMGee!! Sana mangyari nga yun! Kuhain ko kaya number nya? hahaha anu ba yan! Nagttext sya sa harap ko waaaa! Bakit hindi pa sya umaalis??? HALA andito pala yung motor nya sa likod ko?? OMGee!! Kaya pala !! Naku anu ba yan anu gagawin ko aalis ba ako?? Makabili na nga lang ng siomai !! emotion_smilies/icon_omnomnom.gif


OMGee !! Nalaglag pa ung isang siomai at natapon ung sauce sa damit ko!! WAAAA baka nakita nya?? OMGee its so nakakahiya !! Makatalikod na nga lang at baka makita pa nya !! Sayang ung isang siomai dalawa na lang tuloy nakain ko.. bakit kasi nalaglag grabe naman hahaha!! Hay buti na lang nakisali na sya dun sa mga nagppraktis mag shoot kahit naka porma sya. San kaya sya galing ? Naka short nanaman. Parang hindi ko pa sya nakikitang naka pants ahh hahaha! Naku kung maganda lang legs ko palagi din akong naka shorts ! Dumidilim na ahhhh, ay pabalik na sya dito OMGee!! Ayan na sya pumunta na sa likod ko.. inistart na nya yung motor nya! Tatabi ba ako?? Sana sabihin nya excuse po or padaan po!! Kaso pede naman sya dumaan sa iba haha! Ang tagal naman nya umalis! Tinanung pa sya nung mag ssiomai kung meron papalit sa P500 eh wala daw. Ayan na talaga aandar na ung motor nya, at umalis na!! Naku babalik pa kaya sya?? emotion_smilies/icon_drool.png


Hindi pa din pala tapos itong Kids Division?? Nakailang game na sila ah Kamandag VS Harvard parang araw araw na sila palagi ?? Hahaha ok lang yan para nakikita ko pa din si GM ! OMGee bakit wala pa sya ! Pero andito na yung Pudra nya siguro parating na un... Uwi muna kaya ako? Pero baka last na to ehhh? hayai na magantay na lang ako dito.. 4th quarter na pala?? Wala pa din sya !! Nangunguna na ang Harvard ! Naku kahapon panalo ang Kamandag tapos ngaun mukang matatalo naman sila? Bawian lang? hahaha! OMGee andyan na si GM hahaha!! Katabi ng Pudra nyaa yehey! emotion_smilies/icon_kirakira.gif


OMGee kumikidlat at kumukulog!! Naku baka umulan ahh wag naman sana!! Pero walang stars naku at maulap!! Wag naman sanaaaa!! Waaaaa ang lakas ng kulog!! OMGee ulan ba yun ?? Naku umuulan na nga! Hala ang lakas ng patak!! Naku naman bakit ngaun pa umulan kakadating lang ni GM !! Uuwi na ba ako?? Teka asan ba sya? Ay sumilong sya dun sa may tindahan! Naku dito muna din ako kahit umuulan!! Hahaha anu ba yan matatapos na ang game ehh umulan pa! Ang lakas pa ! Itutuloy pa kaya nila?? cat_smilies/icon_confused.gif


HALA bakit wala na si GM?? Naku umuwi na yata hindi ko nakita? Akala ko sumilong sya waaaa ang daya naman! Dapat umuwi na lang din ako huhu! Panu ako uuwi nito ang lakas ng ulan.. sabi ng mga katabi ko tatawid pa naman sila ng ilog baka bahain sila! Naku nag si alisan na yung iba may payong silang dala! Huhu wala man lang ako makausap dito lahat sila may kausap habang umuulan. Tapos wala pa si GM yanu!! Naku umalis na din yung iba nagpakabasa na lang sa ulan! Teka antayin ko lang humina ng kaunti tapos gora na din ako at pinapapak na ako ng lamok!! Ayan na pumunta na dito yung iba na nastuck dun sa may simbahan. Ok lang pala na hindi muna matuloy ngayun ung game para ibig sabihin meron pa bukas at makikita ko pa si GM hahahaha!!! Bakit ganun kahit nabitin ako ngaun, sobrang ok lang kasi kahit ang tagal tagal ko nag aantay na bumalik sya, dumating pa din sya and it is sooooo worth it talaga hahaha!! Ayan medyo mahina na ang ulan! TAKBO NA DALI !!! emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif


(P.S. ung nasa picture motor nya oh hahaha nasa likod ko lang pala!!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games