Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Semi Finals



May 6 2013

SEMI FINALS


OMGEE talaga !! Gutom na ako!! Punta na nga ako sa court dun na lang ako kain ng siomai! Hala bakit volleyball na?? Diba huli ang volleyball?? Wag mong sabihin na tapos na ang basketball?? At hindi ko din makita si GM waaa!! Pero andito naman ung Pudra nya bumibili ng siomai. Alam ko na bili na lang akong siomai at tatanungin ko tong bata kung tapos na ang basketball hahaha style!! Ayun habang kumukuha na ung bata ng siomai tinanung ko kung tapos na ang basketball? Sabi nya meron pa daw dalawang game pagkatapos ng volleyball! Aun buti na lang kala ko tapos na eh! Makikita ko pa si GM hahaha! Sa bahay na lang kaya ako kumain tapos lagyan ko ng kanin para super busog ako! Onga dun na lang total mag sstart pa lang naman tong volleyball so mga 1 hour pa ulit bago matapos yan at wala naman si GM kaya uwi muna ako! 5 piraso binili ko P20 lahat. At uuwi na ako para kumain! Hindi naman ganun kasarap ung siomai nila. Pero parang ang dami lagi bumibili? Baka nasanay lang ako sa sharks fin o kaya master siomai hahaha! emotion_smilies/icon_yatta.gif

Ayan busog na ako. Hmm.. wala pang 1 hour ehh siguro volleyball pa din. Wala naman akong magawa dito sa bahay! Makabalik na nga lang sa court! OMGee bakit biglang dumami ang mga tao? At ayun na si GM waa naka sando at naka suot ng green na shorts!! Waaaa!~ Nandito din si Jonathan oh, matanung nga kung anung meron. Sabi semi finals na daw! Hala oo nga pala! Ang nakita ko lang sa schedule ay 3 araw, so ibig sabihin Sunday, Monday at Tuesday na lang ang game?? Waaaa nauubos na ang maliligayang araw ko kay GM! Kelangan sulitin ko na to ng bonggang bongga!! emotion_smilies/icon_kirakira.gif

Aba my mag intermission number pa. May premyo daw! Sumayaw ang mga teenage girls at may isang Ale din. Dance Again by J.Lo! Mga nahihiya pa ay! Mas magaling pa ung Ale oh lambot ng katawan haha at todo cheer naman ang mga tao! Waw ha talagang parang big event na to! Aba my sasayaw ulit! Mga mas bata naman! Haha chacha naman ni Ryza ang sinayaw nila! Kahit mga 5yrs old ata un oh nagsasayaw din! Grabe ang mga hiyaw ng tao at ang cute nila! Aba my 2nd dance pa etong nauna hindi yata sila papatalo! 2012 yata ni Jay Sean ang sinayaw nila or ibang song? Parang iba lang ung sounds ah ganun pa din ung steps nila! Oh hala showdown na! Gangnam style! Ay hinde pinalitan ng Gentleman ni Psy!! Haha ung net ng volleyball ang ginawang harang ng dalawang team sa pagsayaw ng bagong pauso ni Psy! Sigawan at tawanan ang lahat sa mga Ale ! Showdown ba ito hahaha kung maka gewang oh hala sige sayaw! Tuwang tuwa naman ng mga tao! Mukang talo ang team JLO sa sayawan kasi maunti sila eh haha at ang dami ng Team Ryza! Grabe ganito pala pag my liga dito sa amin at ilang taon na ako nakatira dito pero mga 3 or 2 times lang ako nakakanuod dito! AHAHA tanda ko pa dati my crush din akong player pero matagal na un at mga highschool or elementary pa ako? Naiisip ko pa ngang magpa autograph sa kanya grabe lang ha! emotion_smilies/icon_C8.png

Hindi na nga ako naka focus kay GM kasi sobrang naaliw naman ako sa mga eksena! Hindi na yata matutuloy ang volleyball game nila haha! My dumating pa na Kandidata at ewan kung anung position ang tinatakbo nya at nag speech speech kuno pa. Grabe mga 30 minutes na din yata break ang volleyball game ah! Ayan natuloy din! Nyeee matatalo na pala ung kabilang team ehh haha at ayan talo na! Pinatagal pa nila ang laban yano! WAAAAA!! Nahuli kita GM! Nakatingin ka dito haha! Sabay lingon sa iba si GM eh hahaha! Parang ako lang waaa! emotion_smilies/icon_awesomeface.gif

OMGee bakit nawala si GM sa pwesto nya?? Waaa baka umuwi na?? Hindi pa nga nagsstart ang basketball! Waaa asan na un?? Ay aun! SHOCKS ang cute talaga sa malapitan ohhh! Nakaharap sya dito gawa nung kausap nya! Waaa nakakakilig talaga! Hala babalik na sya sa pwesto nya. Ay hinde san sya pupunta? Ahaha wiwiwi pala dun sa my puno! Kalerki! emotion_smilies/icon_dowant.png

Ayan na mag start ng ang basketball game! Muskees VS Mama's Boy! Bigla ako tinanung ni Jonathan kung sinu daw kasama ko. Sabi ko ako lang haha. Kung alam nya lang si GM lang naman pinupunta ko dito hahaha! Pinagpalit ng damit ung isang player sa Muskees kasi my naka black na din sa Mama's Boy team eh nalilito ang mga referee! Sabi nung iba maghubad na lang daw haha kalerki. Change player tuloy muna habang nagpapalit sya. Aba hindi pa nakakashoot ang team Muskees ah! 12 na ang score ng team Mama's Boy! Naku mukang talo na yata ahh? Pero sabi nung nasa harap ko hindi pa daw start pa lang naman eh! Sya nga naman maagap pa masyado mag judge first quarter p lang kaya! At break na muna! emotion_smilies/icon_omnomnom.gif

WAAAAA GM! This can't be happening! 3 seconds of eye to eye contact again! Grabeeee hindi ko kaya pala ng matagal parang mahihimatay ako hahaa! WAAAA nakatingin nanaman!! Agad agad?? Naku hindi ko na talaga kaya wala na sirang sira na ang defense of walang hiya ko haha hindi ko nakayanan kaya tumingin na lang ako sa iba! Kalerki!! Hindi pa nga ako nakaget over dun sa 3 seconds tapos sinundan nya agad ng ganun na parang malulusaw na ako haha! Grabe lang! Parang nabaliktad naa ahh parang sya na palagi ang tumitingin dito waaa!! Naku hindi naman siguro! Ayan buti na lang magstart na ulit ang game! cat_smilies/icon_rofl.gif

Ayan at nakakahabol na ang Muskees sa Mama's Boy! Kaya pala kelangan talaga matangkad pag basketball player para hindi mahirap mag shoot kasi kitang kita ko dito kung pano nakakashoot ung mga matatangkad vs maliliit pero mas mabilis naman tumakbo pag maliliit! Si GM naman hindi naman ganun katangkad at hindi ganun kaliit kasi alam ko mas matangkad sya sa akin ng kaunti so sakto lang ahaha! Anu ung hawak ni GM? Parang net na tali ? Haha nilalagay nya sa ulo ng mga katabi nya ang kulit! Hala andun nanaman pala ung mga friend nyang teenage boys grabeee parang magkakapit bisig na sila sa sobrang close nila! Ah ah nakakainggit naman un! Eksena pa ung aso oh kasi nandun sya sa loob ng court! Eh pinapaalis ng mga audience ayaw umalis! Haha at ung player pala eh sya yata ang may ari! Imbe sna umalis ung aso lalo pang lumapit! Hahaha at lumabas muna ng court ung player para sumunod ung aso! Start na ulit! Hala kung makatawa si GM oh wagas! Foul kasi ung isang player eh takang taka ung itsura nya nung sinabi ng referee na foul at kaibigan yata un ni GM. Napatawa tuloy ako kay GM kasi kinig na kinig sa pwesto ko ung halakhak nya hahaha! at break nanaman pang ilang quarter na ba? Waaa ang seksi naman ng pose ni GM oh! kasi ung short nya napaiksi kasi nakaipit sa legs nya tapos kitang kita ung legs ang puti! smilies/icon_4laugh.gif

4th quarter na pala! Dikit ang laban ! Naku sinu kaya ang mananalo?? AHAHA! Super hikab si GM na walang pakialam kung may nakatingin sa kanya eh nakaharap samin grabe napatawa tuloy ako! Ayan na ilang minutes na lang at matatapos na ang game! At nakaabot pa ang Muskees mas mataas na ang score nila! Pero nakahabol din ang Mama's Boy at tie na sila!! Hala umuulan na!! Ilang minutes na lang! Tabla na lang daw sabi ng mga audience! Naku foul pa! Umalis na si GM sa pwesto nya at pumunta dun sa my puno! Mag ffree throw pa ang Muskees! At sablay ung isa at ung isa na shoot! Mas lamang na sila! Naku palakas na ang ulan! Mahigit 10 seconds na lang bago matapos ang game! Aalis na si GM pauwi na yata kasi lumalakas na ang ulan! Naku uuwi na din ako at baka abutin pa ako! ARAY!!! Napatama pa ako sa motor pagtalikod ko! Buti hindi natumba hahaha! Takbo dali! WAAA tumatakbo na din kaya si GM pauwi sa kanila ngaun habang umuulan? Ibig sabihin parehas kaming tumatakbo ngaun sa ulan pauwi sa aming mga bahay! WAAA hahaha! emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif

(P.S. 4 na piraso na lang ung siomai sa picture kasi my nanghinge ng isa habang nakasalubong ko pauwi haha)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get Items
Get Gaia Cash
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games