Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Hawak Kamay!


May 5 2013



HAWAK KAMAY!

OMGee Sunday na! Wala kasing laro kagabi eh pero hindi ko sure kung meron ngaun?? Hmmm pero my naririnig naman ako nagsisigawan!! Baka meron waaa! Punta na ako kahit wala pang tao dito sa bahay daliiiii! illock ko na lang ang mga pinto at gate hahaha!! smilies/icon_blaugh.gif

Sila kaya ang maglalaro ngaun?? Naku hindi ko alam kasi hindi ko alam ang schedule kasi wala pang naka post eh!! Ay hindi pa nag sstart, ayun sya ! Nakasando nanaman! Nagsshoot din ung iba pero mga naka tsinelas lang sila ah! Bakit sa kabila mga naka rubber shoes? Baka wala pa ang mga makakalaban nila kaya sina GM muna dito at ang iba nagsshoot? Baka nga hahaha tingan ko nga schedule! Ay hala team Yale vs UK ngaun !! Ibig sabihin sila ang maglalaro! Eh bakit naka tsinelas lang si GM tapos nakapang bahay lang?? Hala ?? At bakit parang mga Senor na ung sa kabila?? Ahhh baka hindi tuloy ngaun ang laban nina GM baka bukas na?? Ay ewan basta andyan si GM un ang mahalaga hahaha! Nakakashoot din naman sya oh! Ung saktong sakto ung bola sa ring ! Panu kaya un kasi pag sa iba ung tumatama pa sa ring eh ung sa kanya talagang deretso sa basket! Magaling lang talaga siguro sya mag 3 points haha! smilies/icon_heart.gif

Ang saya naman ng mga tao, parang magkakailala silang lahat oh, ang daming bata takbuhan ng takbuhan. Naiisip ko tuloy pag gagawa akong music video tapos dito ung location haha! May naglalaro pa ng volleyball dito sa tabi ko baka matamaan ako! Hala nataamaan ung isang Ale! Nagalit tuloy haha! Sana may kakilala din ako dito para my makakwentuhan naman ako! Hindi ung naiisa ako dito nakatayo huhu! Ayan na pinaalis na ung mga hindi daw maglalaro sa court ! Alis tuloy sina GM hahaha. Mga oldie nga ang maglalaro! Committee VS D Villagers! Waw ha ang lalaki ng tyan nila haha! Sabi nung isa kung merong team na Hot Mama's edi sila ang Hot Daddies? hahaha kalerki! Aba nakakashoot din naman sila kahit mga Senor na ! Ang liliit pa haha parang nanunuod kami ng laban ng mga bata! Kanchawan ng kanchawan etong mga asawa nila! My premyo daw mamaya pag nakashoot haha! Parang namumukaan ko ung referee?? OMGee sabi na si Mamang magtataho un!! Haha sabi nung bata pabili daw ng taho!smilies/icon_rofl.gif

Dikit lang ang laban nila ah. Time out muna at mukang mga pagod na sila. Ay sinu kaya ka text ni GM? Hala mukang my tinatawagan sya ah! OMGee!! Waaa bakit sya tumingin sa akin?? GRABEEE para akong matutunaw ! Gusto mo ba kuhain number ko?? Lapit ka sakin at ibibigay ko hahaha! Feelingera mode nanaman ako! Habang busy ang lahat manuod ng game busy din ako nakatingin kay GM haha! Hala biglang nagtawanan ang lahat anyare?? Ayan kasi hindi ka nanunuod haha napasa yata nung isa sa kalaban ung bola? Ok lang kasi kung nakatingin ako sa game edi hindi ko makikita ang nakakaadik na smile ni GM! Kahit anu yatang reaction ng muka ni GM ang cute talaga! OMGee wag mo nga ilabas yang tiyan mo GM haha, kita tuloy ung line ng underwear nyang Levis! HAHA! emotion_smilies/icon_dowant.png

Aba parang tinatawag sya nung mga tao sa kabilang kanto ? Mga team yata nya un ahh! Aba nakauniform na sila? Bakit si GM hindi pa bihis?? Ayan tuloy pumunta sila sa kabila, pero dumaan sa harap ko waaaa!!~ Kinakausap na sya , baka pinagbibihis na din sya? Ayan na babalik na ulit! Kunwari nanunuod ako sa game ahaha baka makita ako nakatingin sa kanya! At dumaan na ulit si GM ng nakangiti waaa! Kinukulit kasi sya ng mga nadaanan nya eh! Magbibihis na yata! Natapos na ang game akala ko mananalo na ang D Villagers eh mas mataas na score nila! Pagtingin ko tie nanaman?? Ayun hindi na nag overtime bukas na lang daw haha! emotion_smilies/icon_awesomeface.gif

Praktis praktis ulit ang magkabilang team! Ayan na si GM! Naka uniform na din waaa! At nakisali na din sya sa practice! Hindi talaga sya nakakashoot pag hindi dun sa side na un haha! May magic yata dun eh? Ayan na mag start na! Yehey isa ulit sya sa mga first players na maglalaro! Naku may nagtext sakin! Kuya ko, tinatanung kung nasaan daw ako wala daw tao sa bahay hala! Uuwi na ba ako? Pero nag sstart pa lang ang game nina GM!! Teka wala kasi akong load, makauwi na nga muna at ako'y naiihi na! Babalik na lang ako ng mabilis ng mabilis! Takboooo!! emotion_smilies/icon_8C.png

Hala tambak na sina GM! anyare 17-8 ?? Iniwan ko na sila kuya Mark sa bahay haha sabi ko ay babalik na akong court! Naku matatalo yata sila ah! Ok lang yan first quarter pa lang naman! Kayang kaya yan ng team UK!
Pinalitan na muna si GM ng ibang player. Ayan go go go! Waaa bakit hindi sila maka shoot! Mas mataas na tuloy ung score ng kalaban! Oh no makahabol pa kaya sila?? 3rd quarter na change court na! Change location din ako lipat ako sa kabila haha! emotion_smilies/icon_C8.png

Halos wala nanunuod sa side na to, balik na lang kaya ako dun sa pwesto ko? Mga teenager boys lang, aba etong nasa harap ko pala eh mga barkada ni Mak. Ayan na magstart na ulit! Binalik na ulit si GM sa court! Hala my nagccheer na isang girl dun sa kabila oh, Sinisigaw ung apilyido ni GM! OMGee fan nya! Haha grabe ang dami ko talagang kaagaw! Ang lapit ko kay GM oh parang dalawang arms forward ko lang sa kanya waaaa! Ayan na kay GM ang bola! At tinira nya!! Pero sablay sayang! Hindi pa sya nakaka 3points ngaun ah. Ahaha pumunta dun sa mga girls ung bola muntik na matamaan, sabi nung girl "Ui kay (Surname ni GM) galing ung bola oh" tapos kinikilig hahaa! Parang ako lang grabe, sana pede din ako sumigaw at pede ko din sya icheer! At nag fast break ang team UK! At na kay GM ang bola at ni lay up nya ! Woo shoot! Marunong din pala sya nun haha kala ko 3points lang sya palagi eh! Yehey lamang na sila 48-50! emotion_smilies/icon_kirakira.gif

4th and last quarter na! Dito na magkakaalaman! Grabe dikit ang laban! Palagi nassteal ng team nina GM pero hindi naman nasshoot! Anyare Chinoy at Manny?? galingan nyu naman! Waa grabe nakakatense! Hala lumabas na tuloy ang bola malapit sakin ! Nasalo ko naman at binigay dun sa referee! OMGEE!!! ANG BOLANG NILALARO NILA AT NAHAWAKAN NINA GM ! NAHAWAKAN KO DIN WAAA!!! Kung nung isang araw nakuha ko din ung bola pero hindi naman sila ang naglalaro, ngaun sila na waaaaaaaaaa!! At biglang sabi walang tao na kukuha nung bola kasi sa team nina GM. At my pumunta na. WAAAA si GM! Bolang tumalsik sakin, pinasa ko sa referee at pinasa kay GM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! PARANG NAHAWAKAN NA DIN NI GM ANG KAMAY KO GRABEEEEEEEEEEE MAMATAY nA TALAGA AKO SA KILIG WAAA!! Hindi ako makakalma !! AHAHA OMGee talaga hindi ako makahinga hahaha! Hanggang langit ang ngiti koooo!! emotion_smilies/icon_heart.gif

WAIT LANG! Hinga ng malalim kalma kalma haha! 70-67 na ng nag time out!! Hala 1min na lang bago matapos ang game!! Naku ishoot nyu yan wag kayong mag patalo!! At binigay kay Manny at shinoot nya !! WOOOO tie na sila! Ahaha naku my ilang seconds pa! Nasa kalaban ang bola at nag time na!! shinoot pa din pero hindi tumama woo! Ahh ganun pala un pag tie tapos end na ng game my overtime! 4 minutes overtime daw! cat_smilies/icon_mrgreen.gif

Ngaung 70-70 na ang score, sinu kaya ang mananalo ?? Naku kahit hindi na sila manalo ok lang dahil sa nangyari sakin kanina hahaha!! Pero wag naman sana, sana manalo pa din sila! Naku naunahan sila ng kalaban! Naku naka foul pa ang team UK! Ayan at foul din ang kabila! Mag free throw si GM! OMGee sna mashoot nya! Sabi nung isang nasa bleacher para kay "J" daw? Hindi ko masyado narinig ehh siguro un ung name ng jowa nya? At binato na ni GM! Ayun sablay! Pero my isa pang free throw at nashoot nya yey! Ang kabilang team bawal na mag ka foul kasi sila ang team foul puro foul hahhaa! Penalty na sila eh, naku na steal ng kalaban ang bola at nashoot pa! Patay ang laki na ng lamang! Ayan sa team UK ulit ang bola at pinasa kay GM at nilay up ulit! Woo shoot!! Grabe nakakatense naman! Naku nashoot din ng kalaban! Waaa na foul pa ni GM! Infairness first foul nya kasi ung mga kalaban nya 4th, 3rd foul na. Ibig sabhin malinis talaga maglaro si GM haha pero dapat hindi mo na finoul GM kasi magffree throw ang kalaban at ilang seconds na lang! Hala nashoot ng kalaban ang free throw! Patay tayo dyan talo na sila! At nag time na!! cat_smilies/icon_burning.gif

84 78 ang score!! Ngaun lang ako natense ng ganito sa pagnuod ng basketball! Hindi naman kasi ako talaga mahilig nito, dahil lang kay GM haha! Talo sila sa team Foul kainis naman! Pero ok lang yan panalo naman kayo last time! Ibig sabhin 1 pa lang panalo nila out of 3 games? Naku mukang hindi sila makakasama sa finals ah! Or baka nanalo din sila dati na hindi ko pa napanuod? Pero sana makasama sila kasi sayang ang uniform haha! emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif

(P.S si GM ung naka blue jersey sa picture waaa!)






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games