Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Lights Out!



May 3 2013

Lights out!

Yehey 8 na! Teka nagugutom padin ako hahaha! kain muna ng vegetable salad!! Hala naubos ko isang big bowl! takaw lang hahaha! Makapunta na ngang court at baka inaantay na ako ni GM! smilies/icon_4laugh.gif

Ayan naaa nag sstart na! Late yata ako ahh kasi naman takaw ko kumain! Dali dali kala ko wala ng game oh, hala anu ung dumaan sa langit!! Nyeee paniki lang pala !! Ayan na kita ko na agad sya hahaha! kakastart lang pala at 3points na ung isang team! Ok lang hindi naman si GM ang naglalaro kaya wa pakels ako ngaun sa game hahhaha! At naka red cap sya at nakasando nanaman grabeeee Ahihi ang cute talaga! ♥
Syempre hindi naman pwedeng sa kanya lang ako nakatingin no at my mga kalapit ako ! Aba teka mahigpit ang laban ahhh.. dikit lang ang score!! HALA napundi na ung isang ilaw! Naku anu ba yan kalagitnaan ng laban magpapalit agad?? Grabe naman ohh hindi ko tuloy makita si GM!! Waw ang liwanag ng sky! Kitang kita ang mga stars! Anu ung gumalaw shocks?!! WEH Airplane lang pala!! Kala ko shooting star nanaman hmp! Naalala ko tuloy sa mga pelikula pag nag brownout sa isang eksena kunwari nagsasayaw sila ng slow dance or nasa prom sila tapos madilim. Biglang aamin na guy sa girl ng feelings nya!! Ayieee kilig haha! Yehey my ilaw na ulit!! Asaan na ba si GM! AUN WAAAAAAAAAAA!!~emotion_smilies/icon_kirakira.gif

NAKATINGIN din sya sa akin pagkabukas na pagkabukas ng ilaw !! OMGeee talaga!! Grabeeee napalingon ako sa kabilang side para lang hindi ako makita na kinikilig hahaha!!! Buti walang tao at baka may makakita sa akin baka sabihin kung napapaano na ako haha!! YIEEEEEEEEEEEEE TALAGA!! OK OK kalma ka lang kalma.. hala nakahabol na ang natatalong team ah!! Ayan na pataas na ng pataas ang score nila! Balik muna ako kay GM! Ahaha anu un bakit nakiinom sya ng juice dun sa bata? kung sya sana ang bumili o kalapit ko lang ung tindahan ahaha sayang! Aba todo kwentuhan sila nung mga kalapit nyang mas bata sa kanya oh. Anu kaya pinaguusapan nila? emotion_smilies/icon_dowant.png

Kinuha ung cap sa kanya tapos parang my tinuturo. Ah baka tinatanung kung original ung cap nyaaaaa! Baka sabi naman ni GM "Oh wala kayo nyan original to no hahaha" pero hindi naman siguro kasi mabait naman si GM ehh. Baka sabi nya "ganito pag original tingan nyu oh my sticker at nababaliko ng ganito!" ahhhh baka nga ganun hahaha!! Aba teka super dikit naman sila nung boy na un tapos sinusuot nya ung cap ni GM tapos binalik din naman sa ulo nyaa waaa naiinggit ako sa kanyaaaa! Anu un bakit hinawakan naman ung cellphone ni GM na red din ang color? Nag papalitan na sila ng number?? hindi naman siguro hahaha! Napapraning na ako dito oh haha! Siguro red ang favorite nya kasi red ung phone tapos red ung cap nya? Pero lagi syang naka white na damit haha! Anu nga kaya favorite nyang color? cat_smilies/icon_nodding.gif

Aba mas hindi pala nakakangalay pag ginagalaw ko ung paa ko kasi napapasayaw ako sa tugtog ko eh! Love on Top by Beyonce! U put my love on top top top GM! ♥ HALA! Anu to nasa paa ko! Nyeeee my bubble gum!! Anu ba yan! Teka my naisip akong pick up line sa bubble gum na yan.! "GM bubble gum ka ba? Kasi simula ng makita kita, dumikit ka na sa puso't isipan ko at hindi ka na maalis!" hahahaha ang kireeeee!! Ay hala magiinet ulit ng bagong siomai ung katabi kong tindahan, hala ayaw ko ng ganyan!! Parang sasabog ung gas nila waaa katakot! layo muna ako!cat_smilies/icon_burning.gif

Nagkukulitan nanaman sila. AHAHAHA!! Kalerki etong si GM. My kinuha sya sa sahig tapos akala ko ibabato nya sa katabi nya! Eh ang ginawa pinatong lang sa ulo tapos tinawanan! Ang bait talaga nya hahaha! Nyee anung mabait dun?? Kung ung iba kasi un ibabato talaga un hahaha! Hinde ehh bias lang talaga ako hahaha pag bigyan nyu na! Pero feeling ko talaga mabait sya kasi diba ang pinaka nagugustuhan ko talaga sa kanya ung parang ang bait bait nya sa lahat. Nakakaturn off kasi ung mga gwapo nga sige mukang artista, pero ung ugali ung tipong walang respeto sa mga babae, or walang galang sa parents kung makasagot! Ung mga ganun nakaka turn off talaga yuckss!! Pero etong si GM parang ang bait bait nya talaga kasi sa mga pictures pag kasama nya ung mga family nya. Para talagang ang bait bait nya lang hahaha! Feeling ko hindi sya pala away tapos palaging naka smile talaga waaaa! Ewan ko lang kasi hindi naman kami close pero feeling ko lang un pero sana ganun sya hahaa!emotion_smilies/icon_kirakira.gif

Ayan tuloy mukang makakahabol pa etong kabila or hindi na?? Naka ilang foul na ung nangungunang team at naalis na ung isang player kasi ubos na ung foul nya hahaha! Parang makakahabol pa etong isang team ahhh! Kung makaka 3 points sila mag ttie sila!! ilang seconds na lang at matatapos na ang game! OMG nakaka tense naman! Mashoot kaya nila?? 3.. 2.. 1.. TOOOOOT!! Hindi nakaabot haha sayang! And the winner is ang madaming foul na team! emotion_smilies/icon_awesomeface.gif

WAAAAA friday na ngaun ibig sabihin last game na to?? Kasi tingan nyu sa picture!! Kita nyu ba ung "TEAM UK"? Team nina GM un hahaha!! Pero hanggang ngaun na lang ung schedule! It can't be! Ang sabi lang nung announcer walang laro bukas kasi my simba! Pero parang wala namang sinabi na meron sa Sunday? Or meron ? Halaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! Sana meron pa huhu kasi kasi kasi pag wala na?? Wala ng GM tuwing gabi? Kelan ko na ulit sya makikita? NOOOOOOOOOO!!

emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get Items
Get Gaia Cash
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games