Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Unexpected!







April 30 2013

8 na alam na !! Puntang court dali !! Aba mukang kakatapos lang ng game ah, aba ung pamangkin kong bata un ah! Naglalaro din pala sya! Mag kuya talaga sila hahaha! Sayang hindi ko napanuod ung laban nila kakatapos lang! Si GM naman habol ko eh hahhaha. Nasan na ba un bakit parang wala?? Shocks hindi ko makita talaga, sina Mak lang andito ah, pati Papa nya andun din oh, aba pati si Kim! At mga pinsan nila! Hala aun na sya!! emotion_smilies/icon_jawdrop.gif

Waaaaa bakit sya naka rubber shoes at naka shorts?! OMGee sila pala ang maglalaro ngaun !! Sa wakas after 1 year ngaun ko lang sya mapapanuod maglaro ahahaha!! Ang totoo kasi nyan kaya lang naman ako simula nagpupuntang court dati ay para nga mapanuod sya maglaro! Eh hindi ko pa sya nakikita maglaro palagi lang sya audience tapos ngaun sya na talaga wooooooo!! Ang lapit ko sa kanila waaaa grabe kitang kita ko sya. Ngaun lang yata ulit ako nakapwesto ng ganito kalapit grabe kinakabahan ako. Ang natatandaan kong pinakamalapit na naming encounter ay yung kauna unahang punta namin kasama ko pa ang DEKS kasi lumapit sila kay Lamae at nagchika chika. Last year pa un ehhh hahha at saka nung pumunta din ako dun magisa noon, tapos biglang my dumaan sa harap ko as in super duper lapit tapos nainis pa nga ako dun kasi nagulat talaga ako biglaan na lang un, pagtingin ko si GM pala un!! Ahahaha tapos ngaun eto na sya na talaga maglalaro wooooo! emotion_smilies/icon_kirakira.gif

Practice practice muna sila mag shoot! Hala hindi naman sya nakakashoot eh, parang nahihiya sya haha ang cute nya maglaro!! Ayan na mag start na!! Yehey isa sya sa mga player na maglalaro!! Go GM !! Ayan naaaa!! Waaaa grabe iba pala talaga pag sila na maglalaro haha!! Waaa ang galing nya mang agaw ng bola! Sa likod ng kalaban nya natapik ung bola aun napunta sa team nila!! Waaaaaaaa grabe kitang kita ko talaga sya parang nakatutok sa kanya ung ilaw haha! Teka ano to parang tumigil ang oras! Habang dinedepensahan nya ang kalaban na nakaharap sa akin at parang dalawang arms forward ko lang ang layo ko kay GM as in! Natutulala ako hala!! Parang kinabahan ako na ewan ! Go go go GM kaya nyu yan! emotion_smilies/icon_yatta.gif

Naku mas mataas na ung points ng kalaban !! Galingan nyu naman oh ! AYUN!! 3 points! galing ni GM waaa !! Sinu kaya ang captain nila? Aba parang coach si Tito ah, hindi ko na makita si GM nag substitution muna kaya aun sa bleacher muna sya, makalipat nga ng pwesto at my nakaharang sa pwesto ko! Dito nanaman ako sa tindahan hahaha, waaaaaa nakita nya ako hala !! KILIG NANAMN IM GONNA DIE NA TALAGA hAHAH!! emotion_smilies/icon_heart.gif
Ayus pala dito ehh kitang kita ko ang game! Ayan sya na ulit ang player. Ang galing din nung dalawa nilang team o si Chinoy kasi chinese ung surname name at si Manny kasi parang kay Manny Pacquaio ung hair haha. Small but terrible ang dalawang ito ! Mga player siguro talaga sila ang galing pumasok at mag shoot eh! Ganun talaga siguro pag mga maliliit mabibilis kumilos! Ahaha ang cute tumakbo ni GM wala ka man lang maririning na sound sa sapatos tapos parang ang hinhin nya! 3 points nanaman !!! Waaaa ang galing naman nya mag 3 points grabe!! Yun siguro advantage nya ah hindi sya masyado magaling sa malapitan pero sa malayo dun sya expert!! Oh hala foul ! Wooo si GM mag free throw! Waaa shoot ung una! Galing talaga ohhh, ay mintis ung pangalawa. Shoot nanaman ung pangatlo hahaha!! Grabeee. Kaso mas mataas pa din ung score ng kalaban naku!! Mag ttime na kaya! Makakahabol pa kaya sila? emotion_smilies/icon_facepalm.gif

aaaattttt end of game na ! Eto ung score 69 - 81 . 69 sila !! 12 pts ang lamang ng kalaban sayang!! Naka 8 points naman sya o diba alam na alam ko pa, dalawang 3 pts at 2 free throw hahaha. Uwian na tuloy, ayan na kasama pa nya ang kanyang brother at Pader. OMGee !! WAAAA nagtanggal pa ng damit !!!! Sa picture ko lang to nakikita at never kong ineexpect na makikita ko ng harap harapan! hahaa ang init na nga ng panahon lalo pa nyang pinainit grabe! Uuwi na nga lang lahat lahat ehhh magkakaheat stroke pa yata ako!! emotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gifemotion_smilies/icon_heart.gif

(P.S. Sya ung naka red na sando sa kanan sa picture waaa!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get Items
Get Gaia Cash
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games