Welcome to Gaia! ::

DASALAN AT TUKSUHAN

Ang Tanda

Ang tanda ng cara- i-cruz ang ipang-adya mo sa amin, Panginoon naming Fraile sa mga bangkay namin,

Sa ngalan ng Salapi, at ng Maputing Binti, at ng Espiritong Bugaw.

Siya nawa.



Pagsisisi

Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo-gumaga at sumalakay sa akin, pinagsisihan ko ng masakit sa tanang loobang dilang pag-asa ko sa iyo. Ikaw nga ang berdugo ko, Panginoon ko, at kaaway ko na inihi-hibik ko na lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na matibay na hindi na muli-muli na mabubuyo sa iyo. At lalayuan ko na at pang-iilagan ang balanang makaba-bakla nang loob ko sa pag-asa sa iyo. Makalilibat ng dating sakit ng mga bulsa ko, at nagtitika naman ako na magla-lathala ng dilang pagkadaya ko. Umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panyion at pangangalakal mo ng Cruz, sa pag-ulol sa akin.

Siya nawa.



Ang Amain Namin

Amain namin, sumasa-convento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, kitilin ang leeg mo, dito sa lupa para nang sa Langit. Saulan mo kami ngayon ng aming kaning iyong inaraw-araw. At patawanin mo kami sa iyong pag-ungal, para nang pagpapatawa mo kung kami naku-cuartahan. At huwag mo kaming ipahintulot sa iyo na manunukso, at i-adya mo kami sa masama mong dila.



Ang Aba Ginoong Barya

Aba Ginoong Barya, nakapupuno ka nang alcancia, ang Fraile ay sumasa-inyo. Bukod ka Niyang pinagpala at pinahigit sa lahat, pinagpala naman ang cavan mo na mapasok. Santa Barya, Ina nang Deretsos, ipanalangin mo kaming huwag anitan ngayon at kami ipapatay.

Siya nawa.



Ang Aba Po Santa Baria

Aba po Santa Baryang Hari, inagaw ng Fraile, ikaw ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga ng aming pawis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na taong-Anak ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntong-hininga namin sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapis-hapis. Ay, aba, pinakahanap-hanap namin para sa aming mga anak, ilingon mo sa amin ang cara-y-cruz mo man lamang. At saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin, ay iparinig mo sa amin ang iyong kalansing, Santa Barya, Ina nang Deretsos, malakas at maalam, matunog na Ginto. Kami ipanalangin mong huwag magpatuloy sa amin ang mga banta ng Fraile.

Amen.



Ang Mga Utos Ng Fraile

Ang mga utos ng Fraile ay sampu:

Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat.

Ang ikalawa: Huwag kang magpapahamak manuba ng ngalang Deretsos.

Ang ikatlo: Mang-ilin ka sa Fraile, Linggo man at fiesta.

Ang ikapat: Isangla mo ang katawan mo sa pagpapalibing sa ama at ina.

Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping panglibing.

Ang ikanim: Huwag kang maki-apid sa kaniyang asawa.

Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.

Ang ikawalo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.

Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.

Ang ikasampu: Huwag mong itanggi ang iyong ari.

Itong sampung utos ng Fraile ay dalawa ang kinauuwian.

Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat.

Ang ikalawa: Ihain mo naman sa kaniya ang puri mo at kayamanan.

Siya nawa.



Ang mga kabuhungang asal, ang pangalan ay tontogales ay tatlo:

Igalang mo ang Fraile, Katakutan mo ang Fraile, at Pagmanuhan mo ang Fraile.
http://shigatake.web.infoseek.co.jp/index.html


User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.

Quick Reply

Submit
Manage Your Items
Other Stuff
Get Items
Get Gaia Cash
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff