• Nilikha ng langit ang isang anghel
    Upang gampanan ang isang mahalagang papel
    Pinababa sa lupa ng Poong Maykapal
    Upang pagtibayin ang Kanyang pagmamahal.

    Ang kainosentehan ang kanyang kapangyarihan
    Nakapagdudulot saya kapag siya ay nasilayan
    Nakakagaan ng loob ang kanyang mga ngiti
    Ang iyong pighati,lahat ay mapapawi.

    Sa kanyang mga mata ay iyong makikita
    Ang kislap na tila ikay mahahalina
    O kay sarap na siya'y halikan
    Kay bango't kay linis niyang pagmasdan.

    Siya'y dapat alagaan at pakaingatan
    Pagkat siya'y kaligayahan ng dalawang nagmamahalan
    Tahanan ang kanyang binubuklod
    Isang batang likha,tunay na kalugod lugod.